^

PSN Showbiz

Camille, biyuda na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Maagang nabiyuda si Camille Prats dahil puma­naw kahapon ang kanyang mister na si Anthony Linsangan sa isang ospital.

Matagal nang may sakit si Anthony pero kamakailan lang nalaman ng publiko ang kanyang maselan na kalagayan.

Ang dinig ko, nilabanan ng mister ang kanyang sakit dahil sa kagustuhan niya na mabuhay. Nakikiramay ako kay Camille at sa mga naulila ng kanyang mahal na asawa.

Boyet regular na nagpapa-pogi

Happy ako para kay Christopher de Leon dahil maganda ang feedback sa acting  niya sa Sa Ngalan ng Ina.

Hindi ko sasabihin ang role ni Boyet sa mini serye ng TV5 para may element of surprise at mag-abang ang mga televiewers.

May nagsabi sa akin na guwapung-guwapo si Boyet sa mga eksena niya. Ang kanyang sikreto? Belo Medical Clinic!

Regular ang pagpunta ni Boyet sa clinic kaya very effective siya na endorser.

Shalani naghahanap na ng ninong at ninang

Sinabi ko na kay Councilor Shalani Soledad na huwag niya akong kunin na ninang sa kasal nila ni Congressman Roman Romulo dahil tamad na tamad akong magbihis at magmartsa sa simbahan.

Kaya nga hindi ako nagpakita sa renewal of vows nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado sa simbahan ng St. The­rese of the Child Jesus. Pumunta na lang ako sa reception sa Sofitel Hotel pagkatapos ng Startalk.

Magkausap kami ni Shalani sa telepono noong Huwebes pero off the record ang aming topic dahil personal.

Fans nina Barbie at Joshua nagdiriwang

Ang Ikaw Lamang ang Mamahalin ang ipapalit sa Sinner or Saint na malapit nang mag-goodbye sa ere.

Ang love team nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio ang starring sa bagong afternoon series ng GMA 7. Apat na buwan na rin ang nakalilipas mula nang mapanood ang dalawa sa Nita Negrita na nagwakas naman noong May.

Nagre-rejoice ang mga fans ng dalawa dahil na­bigyan uli ng bagong TV show ang kanilang favorite love team.

Thia Megia nagpaiwan sa Pampanga

Naiwan sa Pilipinas ang American Idol Season 10 finalist na si Thia Megia. Naunang bumalik sa Amerika ang kanyang mga kasama.

Taga-Angeles City ang pamil­ya ni Thia at kahapon, binigyan siya ng hero’s welcome sa bayan ng kanyang mga magulang. Nagkaroon si Thia ng motorcade na nagsimula sa City Hall at umikot sa buong Angeles City.

Tuwang-tuwa si Thia sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Kapampangan.

vuukle comment

AMERICAN IDOL SEASON

ANG IKAW LAMANG

ANGELES CITY

ANTHONY LINSANGAN

BARBIE FORTEZA

BELO MEDICAL CLINIC

BOYET

THIA

THIA MEGIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with