^

PSN Showbiz

Bigating finale, kasado na

-

MANILA, Philippines - Dinaig ni Hazel Chua ang ibang ex-contestants nang masungkit nito ang huling puwesto sa bigating Top Five ng The Biggest Loser Pinoy Edition.

Sa naganap na weigh-in ng ex-cons kagabi, napatunayan ng dalaga mula Naga na siya ang karapat-dapat na bumalik sa kumpetisyon dahil sa pagbabawas niya ng pinakamalaking porsiyento ng timbang laban kina Eden, Eric, at Ryan.

“Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makaimik. Ang naaalala ko lang nagso-sorry ako kay Eric kasi akala ko talaga siya ang makakapasok sa Top Five. Pero nung natanggap ko na, naisip kong papatuna­yan ko na deserving ako sa pagkakataon na binigay sa akin,” pahayag niya.

Hindi nagpahuli si Hazel sa mga sunud-sunod na hamon at nagbawas ng kabuuang pitong pounds o 4.40 percent ng timbang niya noong nakaraang linggo.

Samantala, kinakikiligan din ang love team niya at ng kasintahang si Raffy, na siyang itinanghal sa Top Four na Biggest Loser ng linggo. Nakapagbawas siya ng nine pounds mula sa timbang niya noong nakaraang linggo at bilang gantimpala, may tiyak na slot na siya para sa finale.

Ngayong linggo naman, abangan ang muling pagbisita nila kasama sina Art, Larry, at Angela sa St. Luke’s Hospital para alamin ang mga pagbabago sa kanilang pangangatawan. Kung dati ay kabado silang pumunta, ngayon ay nasasabik na sila sa paniniwalang mas napabuti ng karanasan nila sa camp ang kanilang kalusugan.

Magpapalit din ng tungkulin ang trainers at contestants dahil sa huling training sa kumpetisyon, sina Jim at Chinggay naman ang tuturuan ng mga Biga­ting Pinoy. Pahihirapan kaya nila ang dalawang fitness experts?

Pagkatapos ng isang bonggang makeover, abangan ang bagong hugis at anyo ng Fab Five sa isang despedida ball kasama ang kani-kanilang pamilya.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga mahal nila sa buhay kapag nakita na ang bagong sila?

Samantala, pakatutukan ang Biggest Loser Pinoy Edition Wellness Fair and Grand Finale, Oktubre 8 (Sabado) sa Ynares Gym sa Pasig. Abangan kung sino ang magwawagi bilang pinakaunang Pinoy Biggest Loser sa final at live we­igh-in­ na magaganap ng 7:00 p.m.

Saksihan ang mga kuwento ng pagbabago ngayong linggo sa The Biggest Loser Pinoy Edition pagkatapos ng Guns and Roses sa ABS-CBN. 

vuukle comment

BIGGEST LOSER

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

BIGGEST LOSER PINOY EDITION WELLNESS FAIR AND GRAND FINALE

FAB FIVE

GUNS AND ROSES

HAZEL CHUA

PINOY BIGGEST LOSER

SAMANTALA

ST. LUKE

TOP FIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with