^

PSN Showbiz

Mga problema idinadaan na lang ni KC sa iyak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Season ngayon ng mga artista ng ABS-CBN dahil sila ang nasa news. Nangunguna sa news ang love triangle ek nina Coco Martin, Matteo Guidicelli, at Maja Salvador.

Maling-mali ang akala na gimik para sa promo ng Thelma ang away nina Coco at Matteo. May mga nag-iisip kasi na gimik ang pag-aaway ng dalawang aktor para painga­yin ang pelikula ni Maja.

Pinag-uusapan din ang napapadalas na pag-iyak ni KC Concepcion sa TV. Palaisipan sa mga tao ang tunay na dahilan ng pag-iyak ni KC. Ang duda nila, may mabigat na pinagdaraanan si KC dahil hindi ito basta iiyak kung simple o magaan ang kanyang problema.

Nakikipag-agawan din ng space sa enter­tainment page sina Andi Eigenmann at Denise Laurel na parehong mga first-time mom. Ang pagkakaiba lang, nakapanganak na si Denise at isisilang pa lamang ni Andi ang panganay nila ni Albie Casino.

Aktres ilang na ilang sa dinaluhang big event

Pinagtsitsismisan ng mga bading ang aktres na dumalo sa isang sosyal na event. Naawa raw ang ibang mga bisita sa aktres dahil parang ilang na ilang ito sa party na kanyang pinuntahan.

Halatang-halata raw na out -of-place ang aktres as in hindi siya belong sa big event.

Natural na mailang ang aktres dahil iba ang kanyang circle of friends. Kahit invited siya sa okasyon, hindi maiiwasan na hindi intrigahin ang aktres dahil iba na ang mundo na ginagalawan niya.

Drama ng mag-dyowang artista na walang contentment sa buhay malapit nang ibunyag ng TV exec

Iniiwasan ng isang TV executive na magsalita tungkol sa artista at sa dyowa nito na parehong pasaway. Likas na mabait ang TV executive kaya hindi ito nariringgan ng masasamang salita, kesehodang iritable na siya sa mga drama ng magdyowa na walang contentment sa buhay.

Pero nauubos din ang pasensiya kahit na pinakamabait na tao. One of these days, baka tuluyang mabugnot ang TV executive dahil sa mga problema na ibinibigay ng pasaway na couple.

Mapapahiya ang mga defender ng pasaway na couple kapag ang TV executive ang magbubunyag ng mga  nakakalokang ginagawa ng kanilang mga ipinagtatanggol.

Aktor na sumikat sa gulong...gustong magbalik showbiz

Natatandaan ba ninyo ang dating aktor na si Ronald Corveau?  Sure ako na hindi na kilala ng bagets generation si Ronald na sumikat noon dahil sa soap opera na Gulong ng Palad. Si Ronald ang gumanap na Carding at siya ang leading man ni Marianne dela Riva sa nasabing soap opera.

Nagkaroon ng relasyon at naging mag-asawa sa tunay na buhay ang dalawa dahil na-develop ang feelings nila sa taping ng Gulong ng Palad. Ang kaso, nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

May news ako na nasagap tungkol kay Ronald. Type raw ng ex-husband ni Marianne na magbalik-bayan at baka ito ang maging daan para magbalik-showbiz siya.

Hindi nagkabalikan sina Ronald at Marianne dahil happily-married na ito sa doktor na nakilala niya sa Amerika. Matagal nang US-based si Marianne pero umuuwi siya sa Pilipinas para magbakasyon at bisitahin ang kanyang mga kamag-anak.

Sikat na sikat si Marianne noong araw. Isa siya sa mga aktres na may magandang mukha sa showbiz at favorite leading lady siya ng mga popular na action star.

Maraming beses na nagkapareha sa pelikula si Marianne at si Fernando Poe, Jr. Ang sey ng isang friend ni Marianne, happy ito sa piling ng kanyang asawang doktor. Well-off ang mhin kaya can afford si Marianne na huwag magtrabaho o magbalik-showbiz.

vuukle comment

AKTRES

ALBIE CASINO

ANDI EIGENMANN

COCO MARTIN

DAHIL

DENISE LAUREL

FERNANDO POE

MARIANNE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with