^

PSN Showbiz

Cesar pipirma ng bagong kontrata sa Kapuso pa rin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mukhang hindi lilipat sa TV5 si Cesar Montano dahil nang tanungin si Aga Muhlach ng isa pa niyang show sa istasyon bukod sa Pinoy Explorer, hindi ang sitcom na pagsasamahan nila nina Cesar at Bayani Agbayani na may title na ABC for Aga, Bayani, and Cesar ang isinagot.

Noontime show ang binanggit nito at sila ni Edu Manzano ang magkasama at kung matutuloy, first time nila ni Edu na magho-host ng noontime show. Naalala naming noontime show din ang sagot ni Bayani nang aming tanungin sa gagawin pang show sa TV5.

Ayon sa isang close kay Cesar, magre-renew ito ng contract sa GMA Network isa sa mga araw na ito.

Jillian feel lahat ang tween love teams

Nanood ng premiere night ng Tween Academy: Class of 2012 sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla pero hindi sila magkasamang dumating. Naunang dumating ang aktor at sinalubong na lang niya si Kylie. Naupo ang dalawa katabi ni Maritoni Fernandez na tita ni Kylie at tiyak na ipinakilala nito si Aljur.

Masaya ang premiere night ng Tween Academy at kahit si Jillian Ward na katabi ng press ay enjoy na enjoy. Nang tanungin kung sino sa tween love teams ang favorite niya, marunong na itong magpa-safe ng sagot: “Lahat sila.”

Galing sa pictorial ng Dead na Dead sa ‘Yo si Jillian bago pumunta sa premiere night.

Interactive ang ending ng movie sa premiere night dahil ’yung nangyayari sa screen ay ginawa ng live — ‘yung pagpapaulan ng confetti. Tiyak na magki-click ang gimik na ’yun ’pag ginawa sa opening ng movie sa Aug. 24.

Malaking bagay din sa movie ang naunang release ng original movie soundtrack nito dahil ang lakas ng recall ng Nothing’s Gonna Stop Us Now, Wake Me Up, Kaba, at ibang songs sa OST album. 

Kris at Miriam ginawang magkamukha sa bagong TV ad

Hindi naman pala pinalitan ni Kris Aquino si Miriam Quiambao bilang endorser ng Oil of Olay dahil magkaibang produkto ang kanilang ini-endorse. Si Kris ay cream at sabon naman ang ini-endorse ni Miriam.

Ang napansin lang ng mga viewers na nakapanood ng TV commercials ng dalawang Oil of Olay products, halos pareho ang makeup ng dalawa at parang naging magkamukha sina Kris at Miriam.

Anyway, mabili ang September issue ng YES! Magazine dahil sa exclusive feature ng twin condo units ni Kris sa One Roxas Triangle. Forty million plus ang worth ng bawat unit sa One Roxas Triangle plus the renovation at sa mamaha­ling gamit sa loob ng two units, kayo na ang mag-compute ng worth ng house ni Kris.

Claudine at Jolina pamilya’t anak na ang pinag-uusapan

Nagsimula nang mag-promote ang cast ng Iglot ng GMA 7 dahil sa Aug. 29 na ang pilot nito. Nag-guest sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa Party Pilipinas kahapon at guest co-host si Claudine Barretto sa Showbiz Central for two Sundays.

Gusto na naming ma-interview si Milkcah Wynn Nacion, ang batang gumaganap na nawawalang anak nina Claudine at Marvin Agustin dahil puring-puri siya ni Jolina sa husay nito at parang hindi bata kung magsalita at mag-isip.

Love rin siya ni Claudine at laging nireregaluhan ng mga laruan at gamit.

First time magkakasama-sama sina Claudine, Marvin, Jolina, Patrick Garcia, at Luis Alandy, kaya tsikahan ang lima ’pag nasa iisang location. Pamilya at mga anak na ang pinag-uusapan ng lima dahil malapit na ring ikasal si Jolina.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALJUR ABRENICA

BAYANI

CLAUDINE

DAHIL

JOLINA

MARVIN AGUSTIN

OIL OF OLAY

ONE ROXAS TRIANGLE

TWEEN ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with