^

PSN Showbiz

Talent manager na reklamador, walang karapatan!

- Ni Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Pumalag ang isang talent manager nang makita niya ang billing ng alagang aktres sa latest movie nito. Eh rason ng mga producers, seniority ang na­ging basehan nila sa billing kaya huli ang name ng alaga niya.

Ayaw pumayag ng manager sa rason ng mga producers. Gusto nitong mas mauna ang name ng alaga kesa sa isang artistang kasama sa movie. Never pa rin naging top rater ang mga TV shows na sinamahan ng isang artista hindi gaya ng alaga niya.

Eh kung achievements sa TV at movie ang pag-uu­sapan, hindi hamak na mas lamang ’yung kinaiinggitang artista ng manager kesa sa alaga niya. Saka ang mga producers ang unang nagbigay ng break sa movie sa alaga ng manager kaya naman dapat niyang pasalamatan ang mga ito ’no?!

Naku, kung hindi dahil sa producer, never namang mapupunta sa kanya ang artista kaya sa puntong ito, dapat lang itigil na ng manager ang reklamo sa billing ng alaga.

Carla inilihim ang pagbi-bikini kay Geoff

Wala pang plano si Carla Abellana sa first anniversary nila ni Geoff Eigenmann sa September.

“Wala pa. Hindi pa kami nag-uusap. For sure, I’ll be busy by then. Mag-i-start na kaming mag-taping ng soap at siya, mag-uumpisa na ring mag-taping. So wala pa kaming plans. Saka na siguro,” pahayag ni Carla sa huli naming pag-uusap sa shooting ng My Neighbor’s Wife.

Sa pelikulang ito, walang compromises si Carla pati na ang beach scene sa Subic kung saan first time niyang mag-two-piece bikini.

“Pati nga ’yung nag-bikini ako, wala sa script iyon. So nung sinabi sa akin iyon, ‘Ha? Gagawin talaga natin ’yon?’ Oo ang sabi sa akin ng AD (assistant director) niya (Jun Lana).

“Naisip ko ’yung sinabi ni Geoff na, ‘Huwag mong isipin. Gawin mo lang, kasi ’pag sobra mong inisip, hindi ka makakatulog niyan! So, hindi ko na inisip. Dumating ako ng set, sige, gawin na natin!” kuwento ng aktres.

Kapag ganung eksena ang gagawin niya, sinasabi niya kay Geoff?

“Hindi kasi nalaman ko rin ’yon the day before eh. So kahit ako, nagulat. Kahit ako, hindi ko alam. ’Di ba, ’yung mga ganoong detalye, ’yung bigla na lang sumusulpot na ideas na ganoon? Hindi ko na nahahabol kay Geoff ang kuwento. Ang alam niya, ’yung nasa script lang.

“Siyempre, magugulat siya sa movie especially ang family ko. Magugulat sa mapapanood sa akin,” natatawang paliwanag ni Carla.

Alden magpapasiklab sa mga piling-piling bading

Nasubukan naman kaya nina ni Alden Richard at Sam Pinto na mag-date sa hotel?

“Hindi po,” nahihiyang sagot ni Alden.

Natupad man ni Alden ang maka-date si Sam, malayo pa sa utak niya ang seryosong relasyon dahil katuwiran nito, “Bata pa po ako and one mistake, ends all!”

Siyanga pala, isa si Alden sa mga guest performers sa Byu-Con show kung saan magpapasiklaban ang mga piling-piling bading!

Allan K. nagpasimuno sa benefit show para kay Joseph

 Magsasama-sama ang mga ilang performers sa showbiz ngayong gabi sa Zirkoh Comedy Bar para sa isang benefit show kay Joseph Bitangcol na inorga­nisa ng mga kaibigan niya sa entertainment press.

Coming From The Heart ang magaganap na show at pangu­ngunahan ni Allan K. ang nasabing fund-raising event para dagdag panggastos sa ope­rasyon pang gagawin kay Joseph. Magbibigay saya rin sina Marissa Sanchez, Edgar Allan Guzman, Jo­­ross Gamboa, Mocha Girls, at marami pang iba.

Malaking halaga pa ang kailangan para ma­o­pe­ra­han ang aktor kaya naman. Para sa tickets, pu­we­deng bumili sa SM Ticketnet o tumawag sa 470-2222 o kaya ay sa Zirkoh Morato sa 376-7278.                          

vuukle comment

ALDEN RICHARD

ALLAN K

CARLA

GEOFF

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with