^

PSN Showbiz

Nora nakapahinga na!

- Veronica R. Samio -

Kung inaakala ko na apaw na ang Boracay Room ng Shangri-La Hotel sa unang presscon ni Nora Aunor na ibinigay ng TV5, naging triple ang bilang ng mga inimbita para naman sa presscon ng El Presidente, ang pelikula na pagsasamahan nila ni Laguna Mayor ER Ejercito sa Club Filipino. Ginanap ito sa isang lugar na hindi masyadong puntahan ng masa at nakitaan lang ito ng napakaraming ordinaryong tao nang dun manumpa para sa kanyang pagkapangulo si Tita Cory Aquino.

Dahil sa dami ng tao, umandar ang aking vertigo kaya napilitan akong pumwesto sa may bungad ng bulwagan na kung saan ay pumirma ng kanilang attendance ang lahat ng bisita. Dun nasaksihan ko ang paglabas at pasok ng mga hindi imbitadong panauhin pero sumasaglit lamang para makita ang Superstar. Kapag naman nakita nila siya ay agad-agad na silang umaalis.

Mukhang well rested si Guy na nakasuot ng pants na itim with matching black top na isang silver tie-like ang accessory and knee-high boots. Muli sa presscon proper ay sinabi niyang okay lang na maging second choice siya sa El Presisdente, kung tinanggihan man ito ng unang pinag-alukan na dating arch rival niyang si Gov. Vilma Santos dahilan sa kaabalahan. Nagpasalamat na lamang ang Superstar sa pagkakataon na ibinibigay sa kanya ni Gov. ER na nagsabing “second choice is the best choice.”

Dating beauty queen aktibo sa turismo

Maaaring hindi alam ng mga namumuno sa lalawigan ng Laguna, lalo na sa kanyang kinalakihang San Pablo, na sa kanyang sariling pamamaraan ay nakapag-ambag ng malaki sa turismo ng kanyang lugar ang dati at hanggang ngayon naman ay patuloy pa ring umaarte sa harap ng kamera at isang dating Bb. Pilipinas hopeful na si Azenith Briones.

Mahilig mang-imbita ng mga kaibigan sa kanyang bahay sa San Pablo ang ngayon ay maybahay ng isang matagumpay na negosyante at ina ng tatlong anak na lalaki na isa na lamang ang nag-aaral, ang dalawa pa ay may trabaho na. Ang imbitasyon niya sa amin para sa isang araw na kuwentuhan at kainan ay naging isang pamamasyal with her providing us with a guided tour sa mga magagandang spots ng kanyang probinsiya na kilala sa pitong pagkagagandang lawa nito, napakasasarap na street foods, at napakababait na mga tao.

In between sa aming pamamas­yal may mga dinadaanan kaming bahay na kung saan ay nakatira ang mga kaibigan ng aming kaibigan. Tulad ng ginang ng mayor ng San Pablo na nagdiriwang ng kanyang 62nd birth­day. Magaling na host si Gng. Amante at ma­ging ang kanyang mga anak. Napakagaling din ng kung sinuman ang nagluto ng kanyang handa. Magiliw din kaming tinanggap ng kanyang anak na si Amben Amante na sinasabing susunod sa kanyang ama na magiging mayor ng San Pablo.

Pero impressed kami sa mayor ng pinakamaliit na probinsiya ng Laguna, si Rizal Mayor Antonio Aurelio na inaliw kami sa kuwento ng kanyang bis­yon sa kanyang maliit na bayan. Tinutulungan siya sa kasalukuyan ni Azenith para sa ikatutupad ng kan­yang pangarap na maitayo ang Tayak Nature and Adventure Park sa Rizal na inaasahan niyang maglalagay sa kanyang probinsiya sa mapa ng tu­ris­mo ng bansa kapag naitayo ito in five years time.

Sa aming pakikipag-usap sa kanya ay nalaman namin na isang probinsiya lamang ng Nagcarlan dati ang Rizal pero sa ngayon ay nagsisikap para makaangat sa pagiging pinakamaliit na probinsiya ng Laguna.

Tinanggihan na namin ang magandang imbitas­yon ni Mayor Aurelio at maging ni Azenith na mag-over­night sa kanilang bayan para makapunta pa ka­mi sa marami pang magagandang lugar ng probinsiya.

AMBEN AMANTE

ANTONIO AURELIO

AZENITH

AZENITH BRIONES

CLUB FILIPINO

CORY AQUINO

KANYANG

SAN PABLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with