^

PSN Showbiz

Gov. Vi hindi pakialamera kay Luis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Sa pagiging abala ni Gov. Vilma Santos-Recto sa lalawigan ng Batangas ay hindi naman niya napapabayaan ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak na sina Luis at Ryan Christian.

“Kahit saan definitely ay poprotektahan ko ang mga anak ko, ako ang klase ng magulang na very liberated. Isa ako sa mga konti na nanay na naniniwala na mothers should adjust to their children. Kasi iba na po ’yung generation ngayon. When I say liberated, puwede akong kaibigan nila,” seryosong pahayag ni Ate Vi.

Ayon pa sa kanya, hinahayaan niyang maging independent ang kanyang mga anak para matuto ang mga ito sa kanilang mga sariling karanasan. “When it comes to education, diyan particular ako when it comes to decision making. Iniiwan ko lagi ang desisyon sa kanila. Hindi ko na puwedeng pakialaman masyado kasi ayoko naman silang maging weakling na someday hindi sila makapag-desisyon ng sarili nila, especially they are men, so as early as now magkaroon na sila ng sariling paninindigan,” paliwanag pa ni Ate Vi.

Pagdating naman sa love life ni Luis ay hindi niya pinanghihimasukan ang diskarte ng panganay.

“In anything they do, let’s say with love life, I don’t meddle kung sino ang bagay. Especially si Lucky, he’s old enough to decide for himself. The way we treat each other, para pa rin kaming buddy-buddy. Alam ko ang lahat sa kanya. I’ll keep quiet na lang,” natatawang pagtatapos ng aktres.

Kim at nali-link na basketbolista nagpapa-alaman na

Kamakailan ay nag-perform sa ASAP Rocks ang basketball team ni Simon Atkins na napapabalitang nanliligaw kay Kim Chiu ngayon.

Naging vocal dati si Simon na humahanga siya kay Kim na mainstay din ng nasabing programa kaya naman marami ang nag-abang sa dapat sana ay pagkikita ng dalawa noong oras na iyon pero hindi sumipot ang player.

Ayon kay Simon, minabuti na lamang niyang magpahinga dahil sa kanyang hectic na schedule. Nagsabi naman ang binata kay Kim at nagbilin pa na pupunta nga sa ASAP ang kanyang mga kasamahan sa team.

“Hindi kasi talaga siya pupunta. Tinutukso nila ako lahat, sabi ko hindi siya pupunta kasi close siya sa fans ko. Isang group ng fans ko ang nagsabi, hindi raw talaga makakapunta. Sabi naman niya dati, hindi siya marunong sumayaw, kaya sabi ko, ‘Hindi ka pupunta,’” paglilinaw ni Kim.

Nagkakamabutihan na kaya sila ngayon? “Ewan ko, hindi ko alam. Congratulations na lang sa La Salle team. Minsan nagte-text kami, minsan hindi. Nakakahiya, ’yun lang,” nakangiting pagtatapat ng young actress. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ATE VI

AYON

KIM CHIU

LA SALLE

LUIS

RYAN CHRISTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with