^

PSN Showbiz

Robin dinudumog ng mga macho

-

MANILA, Philippines - Mainit ang pagtanggap ng mga residenteng nanonood at tumatangkilik sa Trust Bunong Braso challenge na kasalukuyang idinaraos sa buong bansa.

Magaganap ang ikawalo at huling Qualifying Round sa Hulyo 23, Sabado sa Bayanihan Dapitan Covered Court, Dapitan St. corner Mayon St., Quezon City.

Ang nationwide Trust Bunong Braso ay nagsimula sa siyudad ng Taguig, at sumunod sa mga siyudad ng Las Piñas, Baguio, Valenzuela, Batangas, Cebu, Davao at panghuli ay sa Quezon City.

Laging inaabangan ang performance ni Sexbomb Monique, na nagbibigay-saya sa kanyang seksing sayaw at pakikipagkulitan sa mga maskuladong manlalaro at mga game na game na mga manonood. Welcome na welcome din ang host na si DJ Marf ng 99.5 RT at ang mascot na si Super Trust. Pero tumutodo ang saya sa pagbisita ng idolo ng masa na si Robin Padilla, ang endorser ng   quality condom, at sa pagpapaunlak nitong makipag-picture taking.

Dibdiban ang laban ng 32 kalalakihan sa dalawang dibisyon para sa cash prize na P10,000.00. Ang top two sa bawat kategorya sa bawat syudad ay maghaharap-harap sa Grand Championship sa Agosto 6, para sa tumataginting na P100,000.00 cash prize at sa titulo bilang kauna-unahang kampeon sa Trust Bunong Braso sa kanilang dibisyon sa buong bansa.

Para sa karagdagang detalye at iba pang impormasyon tungkol dito, maaaring mag-text o tumawag sa (0917)909-9090 para sa Globe at Touch Mobile subscribers; (0949)323-6788 para sa Smart at Talk n Text, at (0932)527-4228 para naman sa Sun Cellular Subscribers o sumulat sa email address na [email protected].

vuukle comment

BAYANIHAN DAPITAN COVERED COURT

DAPITAN ST.

GRAND CHAMPIONSHIP

LAS PI

MAYON ST.

QUALIFYING ROUND

QUEZON CITY

ROBIN PADILLA

TRUST BUNONG BRASO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with