^

PSN Showbiz

J Lo at Marc Anthony magdi-diborsiyo na

- Ni AP -

Shocking ang balita para sa mga fans ni Jennifer Lopez. Hiwalay na ito sa mister na si Marc Anthony. “We have decided to end our marriage. This was a very difficult decision,” ayon sa pahayag ng mag-asawa nung Biyernes na ipinadaan sa publicist ni J Lo. “We have come to amicable conclusion on all matters. It is a painful time for all involved and we appreciate the respect of our privacy at this time.”

Mula nang ikasal noong 2004, marami ang natuwa sa pagsasama ng dalawang may lahing Puerto Rican dahil inseparable sila. Sinasabing natagpuan nila ang true love matapos magkaroon ng failed relationships sa iba. Si Marc Anthony ay may anak sa dalawang unang babae dating Miss Universe Dayanara Torres at si J Lo ay naging high-profile ang break up kay Ben Affleck.

Biniyayaan ng kambal na anak na sina Emme at Max, magkasama lagi sina J Lo at Marc Anthony sa tour, nakagawa ng pelikulang El Cantante, at balak pa sanang magkaroon ng music-based reality show. Matatandaan ding sumayaw pa ang Latina singer-actress sa American Idol habang kumakanta ang kanyang asawa.

Ang television show na pagsasamahan sana nilang dalawa — Q’Viva! The Chosen — ay magtatampok ng mga superstar couple habang nagta-travel sa buong mundo para hanapin ang pinakamagagaling na performers sa Latin music, dance, at iba pa. Wala pang airdate ang nasabing gagawing show pero sa ngayon ay lalong hindi na malinaw kung matutuloy pa ito.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

BEN AFFLECK

BINIYAYAAN

EL CANTANTE

J LO

JENNIFER LOPEZ

MARC ANTHONY

PUERTO RICAN

SI MARC ANTHONY

UNIVERSE DAYANARA TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with