^

PSN Showbiz

30 actors kasama sa Amok

-

MANILA, Philippines - Kasama sa New Breed Category ng 2011 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang ikatlong full-length film at unang directorial entry ni Lawrence Fajardo at isang malaking cast ang magbibigay-buhay sa mga karakter ng Amok.

Ang screenwriter na si John Bedia at consultant na si Paul Sta. Ana ang nagbuo ng istorya na base sa kuwento nina Direk Lawrence at Rob Bryant.

Umikot ang istorya sa magulong lugar ng intersection ng Pasay Rotonda na nagsilbing pagkakatagpu-tagpo rin ng kapalaran. Isang tao ang nag-amok at namaril sa iba’t ibang direksiyon at ang kapalaran ng maraming karakter na tinamaan ang magiging kuwento ng pelikula.

May 30 actors mula sa mundo ng telebisyon, pelikula, at teatro ang nagpaunlak na gumanap sa Amok. Kabilang dito sina Mark Gil, Nonie Buencamino, Spanky Manikan, Achi Adamos, John Arceo, Efren Reyes, Jr., Suzette Ranillo, at iba pa.

Nakasama na ni Direk Lawrence sina Mark at Archi sa 2006 Cinema One Original na Raket ni Nanay at nagkamit pa ang huli ng best actor award kaya masaya sila sa muling pagsasama-sama sa Amok.

Isang 34-year-old director na mula sa University of St. La Salle Bacolod si Lawrence na sumailalim sa training nina Peque Gallaga, Lore Reyes, at Erik Matti.

Ibinahagi niya na ang tema ng ginawang pelikula ay ang pagkilala kung hanggang saan ang pasensiya ng isang tao kapag nagigipit na. 

“We’re all put into situations wherein we reach that crucial point when we are about to snap,” sabi ni Direk Lawrence at idinagdag ang maraming katiwalian at kasinungalingan sa paligid. “It’s up to us if we want to put up with the injustice or if we want to make a stand.”

Ang Amok ay ipalalabas sa Cultural Center of the Philippines at sa Greenbelt: July 16, 6:15 p.m., Tanghalang Huseng Batute; July 17, 9 p.m., Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater); July 18, 4 p.m., Greenbelt 3, Cinema 5; July 19, 6:15 p.m., Bulwagang Pambansang Alagad ng Sining (CCP MKP Hall); July 20, 3:30 p.m., Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater); July 21, 3:30 p.m., Bulwagang Pambansang Alagad ng Sining (CCP MKP Hall); July 22, 12:45 p.m., Tanghalang Huseng Batute, 6:30 p.m., Greenbelt 3, Cinema 3; July 23, 3:30 p.m., Tanghalang Aurelio Tolentino (CCP Little Theater); at July 24, 11 a.m., Greenbelt 3, Cinema 3.

vuukle comment

ACHI ADAMOS

ANG AMOK

BULWAGANG PAMBANSANG ALAGAD

CINEMA ONE ORIGINAL

CINEMALAYA PHILIPPINE INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DIREK LAWRENCE

MAIN THEATER

TANGHALANG HUSENG BATUTE

TANGHALANG NICANOR ABELARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with