^

PSN Showbiz

Ibinuking ni Snooky, Maricel happily engaged na!

- Jun Nardo -

MANILA, Philippines - Maaliwalas ang mukha ni Snooky Serna nga­yon nang makita namin sa special screening ng Regal movie na Summer Love sa Cultural Center of the Philippines last Saturday. Ang pelikula ay natag­puan ng SOFIA (Society of Filipino Archivists for Film) at kanilang inayos, ginawang digitalized, at ipinalabas after 30 years.

Isa si Snooky sa mga bida at kasama niya ang co-Regal babies niya noon na sina Maricel Soriano, William Martinez, at Gabby Concepcion.

 “Nagpapasalamat ako sa Panginoon da­hil after 30 years, naabutan ko pa rin ang pelikula. I was 15. Feeling nene ako noon. Ang dami kong memories. Feeling innocent. Virginal,” sabay tawa ni Snooky. “Almost a year bago natapos kasi lahat kami noon, eccentric!”

Close na noon pa man sina Snooky at Maricel.Tagapagtanggol niya that time ang Diamond Star dahil likas kay Coo­kie ang pagiging mahiyain. Kung

noon ay sina Maricel at William ang lovers, siya naman ay napunta sa kapatid nitong si Albert Martinez.

Pero kumusta na ba ngayon si Snooky? “I’m more at peace. I’m happier now,” sagot niya.

Nagbago na rin ngayon ng relihiyon si Snooky.

“Iglesia ni Cristo na ako ngayon. Thank God din dahil kung kelan ko natanggap na kan­ya-kanyang panahon ’yan, relax na relax na tayo, biglang heto, talagang na-bless ako ng Pa­nginoon right after naging Iglesia ako. Nagkasunud-sunod ang offer. 

“Ngayon, may Blusang Itim ako sa Chan­nel 7 na actually, guest nung una.

Eh maganda ’yung response ng tao ka­ya mukhang tatagal ako.

Meron akong da­­­­­l­a­­wang indie, ’yung Road to Ampatuan at Bangkang Papel.

“Pasensiya na, nabablangko ako dahil sa eventual meeting namin ni Mother Lily Monteverde. Ninenerbiyos ako. Kasi, ngayon lang kami magkikita after a long time,” paliwanag ni Snooky.

Eh sila ni Maricel, nagkakausap pa ba?

“Bihira na kasi she’s busy din. She’s happily engaged! But it’s not for me to divulge the whole secret,” deklara ni Cookie.

Kung sina Maricel at Snooky nene pa noon, Gabby at William walang takot na nagpakita ng mga bukol!

Speaking of SOFIA, special guest sa okasyong ’yon si Mother Lily Monteverde. Sa kanyang speech, sinabi niyang, “Mahalaga talaga ang film preservation. As a producer, I’ve realized the value of archives now that my films are being remade on TV and movies. Some of my films are being honored abroad, too!”

Kaya naman bilang tulong sa grupong pinamumunuan ni Dr. Doy del Mundo, nagbigay ng donasyon ang Regal producer upang maipagpatuloy ang kanilang layunin para sa pelikulang Pilipino.

Bilang ganti naman, binigyan si Mother Lily nang ina­yos na kopya ng Summer Love. Sa screening ng movie, neneng-nene pa sina Maricel at Snooky at lutang na lu­tang ang kaguwapuhan nina William at Gabby na walang takot magpakita ng mga bukol nila nung dekada otsenta!

vuukle comment

AKO

ALBERT MARTINEZ

BANGKANG PAPEL

LILY MONTEVERDE

MARICEL

SHY

SNOOKY

SUMMER LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with