Dalawang aktres na 'di pa Kapatid, ginagawan na ng script
Hindi pa man opisyal na nakakalipat ang dalawang aktres sa TV5, may naghihintay nang project para sa kanila. Isang soap ang pagsasamahan ng dalawa na ilalagay sa time slot ng Babaeng Hampaslupa at balita namin, sinusulat na ang script at bonggang dramahan ito.
Kailangan lang maghintay ang TV5 ng ilang buwan dahil ang isang aktres ay may tumatakbo pang soap sa kabilang network at ang makakasama niya dapat na younger actress ay pinag-aaralan pa kung lilipat sa TV5.
May ibang makakasama ang dalawang aktres at ang iba siguro ay galing sa Babaeng Hampaslupa at Mga Nagbabagang Bulaklak, pero ang dalawang aktres ang pinakabida sa bagong soap ng TV5.
Rhian ’di maitodo ang emote sa Twitter
Visible na uli si Rhian Ramos after manahimik ng ilang weeks after ng controversial break-up nila ni Mo Twister. Kahapon, umapir na uli siya sa Party Pilipinas at balik-Twitter na uli ito, pero less emote ang mga tweet at puro tungkol sa trabaho niya na sunud-sunod.
Dapat nang magparamdam si Rhian dahil bukod sa Spooky Nights, sisimulan niya sa June 25 ang shooting ng horror movie na The Road sa direction ni Yam Laranas ng GMA Films. Kasama rin yata siya sa Tween Hearts the Movie: Class of 2011.
Bukod sa mga nabanggit, co-host din si Rhian sa bagong show ni Manny Pacquiao sa GMA 7 kasama si Isabelle Daza. Wala siyang time magmukmok!
Bianca nagpapa-interview ng walang makeup
Gusto nang i-announce sa Twitter ni Bianca King ang final (hopefully) title ng afternoon soap na isa siya sa mga bida, pero kinailangan niyang maghintay dahil sa Showbiz Central kahapon unang na-announce na Sinner or Saint na ang title ng soap na nagsimula sa Sentensyada, naging All Mine to Give, at Love & Lies.
Bukas na ang presscon ng soap at June 13 na ang pilot, makukuwento na nina Bianca, Alessandra de Rossi, Polo Ravales, at Dennis Trillo ang story. Balik-showbiz sa Sinner or Saint sina Divina Valencia at Timmy Cruz na may important role at kasama rin sina Derrick Monasterio, Kim Komatsu, at Jenine Desiderio.
Sa latest tweets pala ni Bianca, “show namin” na ang nabasa namin at hindi na “my show,” kaya wala ng dapat ipag-react ang mga fans ng mga kasama niya. Halata sa tweets palang ng aktres kung gaano siya kasaya sa project na ibinigay ng GMA 7. With her managers, nag-celebrate sila sa taping ng pilot week at lumalabas sa TV at nagpapa-interview ng walang makeup para masanay ang tao na makita siyang walang makeup dahil sa role niyang nakakulong.
- Latest
























