^

PSN Showbiz

Jolina finally ikakasal na!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Uy finally, mag-aasawa na si Jolina Magda­ngal!

Korek, kahapon sa Party Pilipinas, ginulat niya ang lahat nang sabihin ng dyowa niyang si Mark Escueta na magpapakasal na sila ng girlfriend na singer-actress.

Mangiyak-ngiyak si Jolens sa naging announcement ng kanyang karelasyong miyembro ng RiverMaya.

Kasabay ng selebrasyon ng 21st taon niya sa showbiz ang nasabing announcement.

Actually, mas parang kinikilig si Jolens sa magiging kasalan nila ni Mark although tumulo ang luha niya nang sabihin ni Mark na siya na ang ma­gi­ging misis niya at hindi lang pala sa pelikula nangyayari na makikita ang gusto mong makasama sa habang-buhay. Theme songs ng mga pelikula ang tema ng Party Pilipinas kahapon.

“Hindi lang habang-buhay. Araw-araw kitang mamahalin,” deklara ng bokalista sa PP kahapon habang nag-iiyakan ang mga co-hosts niya sa Sunday musical show ng GMA 7.

Matagal nang hinihintay na ikasal si Jolina. Ang mga kapanabayan niya sa showbiz na tulad ni Judy Ann Santos ay pamilyado na.

Ang kaibigan niyang si Roselle Nava at Jan Marini ay may mga anak na rin. Kaya tama lang na ang ikasal na talaga siya.

Congrats Jolens!

* * *

Gumanda ng sobra at pumuti na si Angeline Quinto. Kahapon habang nanonood ako ng ASAP, hindi ko agad siya nakilala ha? Parang kahitsura na siya ni Regine Velasquez. At parang kaboses pa.

Pero sa true lang, totoong nag-shine na siya bilang magaling na singer. Mukhang sosyal na sosyal na rin siya.

Teka sa sobrang puti niya siguro nagpa-inject siya ng Glutathione. Ang bilis niya pumuti eh.

* * *

Himala, nasa TV5 kahapon si Zoren Legaspi. Korek, co-host siya sa Paparazzi nina Ruffa Gu­tier­rez at Tita Cristy Fermin.

Nasa Paris pa kasi si Mo Twister at muk­hang nag­­­papagaling pa ng puso after siyang hiwalayan ni R­hian Ramos na naka-move on na at balik-trabaho na.

Buti at pinayagan si Zoren na lumabas sa TV5? Nagbabadya ba ito ng paglipat niya? Nasa matatapos na programang Nita Negrita si Zoren.

ANGELINE QUINTO

CONGRATS JOLENS

CRISTY FERMIN

JAN MARINI

JOLENS

JOLINA MAGDA

NIYA

PARTY PILIPINAS

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with