^

PSN Showbiz

Attention Papa Joey, Jake at Enchong type ni WynWyn Marquez

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kontrabida ang role ni Wynwyn Marquez sa Blusang Itim at hindi isyu sa kanya ito.

Tinanggap lang niya ang oportunidad na duma­ting sa kanya.

Ang worry lang ng dalaga nina Alma Moreno at Joey Marquez ay baka awayin siya ng fans ni Kylie Padilla dahil pahihirapan niya ito sa soap.

Si Glaiza de Castro ang peg ni Wynwyn na mapa-kontrabida o bida ay mahusay pareho at nang mag-audition siya, lumapit siya rito at tinulungan siya. “Binigyan niya ako ng tips kung paano umarte ng tama.I owe her,” ani Wynwyn.

Beauty queen material si Wynwyn from her height na 5’7”, vital stats na 34-24-34, sa morenong kulay at ganda ng mukha. Balak niyang sumali sa beauty pageant next year, kung papayagan ng parents.

Sina Jake Cuenca at Enchong Dee ang crushes ni Wynwyn at nagaguwapuhan din siya kay Carl Guevarra na kasama niya sa Blusang Itim.

* * *

Si Raymart Santiago daw naman pala at hindi si Dennis Trillo ang makakapareha ni Jennylyn Mercado sa bagong soap na gagawin nito sa GMA-7 kapalit ng Magic Palayok.

Nasulat kasing inalis ang aktres sa cast ng nasabing soap dahil hindi sila puwedeng magkatrabaho ng kanyang ex at medyo may conflict pa sa break-up nila.

Nang tinanong namin si Popoy Caritativo tungkol sa bagong afternoon soap ni Dennis, wala pa raw kumakausap sa kanila at hindi rin nito alam ang tsikang si Iza Calzado ang makakapalit ni Jennylyn.

Anyway, tila Footbulilit ang title ng afternoon soap na sa title pa lang, alam na kung tungkol saan ang soap.

* * *

Nakita namin si German Moreno sa presscon ng Blusang Itim at tinanong namin kung alam niyang nag-on ang talent niyang si Jake Vargas at ang young actress na si Joanna Marie Tan na napapanood sa Alakdana.

Una naming tinanong si Jake sa relasyon at sa break-up nila ni Joanna sa set ng Captain Barbell at nagulat pa kung bakit nalaman ng press ang inilihim nilang relasyon. Inamin nitong break na nga sila, kaya ayaw na sanang pag-usapan.

Sa finale presscon ng Alakdana, si Joanna naman ang tinanong namin na no choice kundi magsalita. Nag-on sila ni Jake sa birthday nito last year at kamakailan lang sila nag-break at siya ang nakipag-break dahil sa kanilang career.

 After Alakdana, wala pang next project si Joanna, pero naniniwalang hindi siya pababayaan ng GMA-7 at GMA Artist Center, kung saan may five-year contract siya.

* * *

Bilib na bilib ang mga producer ng birthday concert ni Sam Milby billed Sam­thing Special dahil kahit nasa Bukidnon ito at nagsu-shooting ng movie nila ni KC Concepcion, bumalik ng Manila last Sunday para sa band rehearsal niya. Sariling pera ang ipinamasahe ni Sam at nagpaalam muna kay direk Cathy Garcia-Molina para sa band rehearsal.

Sa Saturday, May 14 na ang birthday concert ni Sam sa Zirkoh Morato at gusto naman nitong maganda ang show at walang palpak sa kanyang performance. 

vuukle comment

AFTER ALAKDANA

ALAKDANA

ALMA MORENO

ARTIST CENTER

BLUSANG ITIM

CAPTAIN BARBELL

CARL GUEVARRA

JOANNA

SIYA

WYNWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with