^

PSN Showbiz

Enchong pumatol sa mas bata

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

I’m sure hindi naman makakaapekto kay Erich Gonzales ang balitang nagli-link sa kanyang ka-loveteam na si Enchong Dee sa gumaganap ng Clara sa malaganap na serye ng ABS-CBN na ginagampanan ni Julia Montes.

Wala naman silang romansa kaya ano ang ipagdaramdam niya? Mas maiintriga lang siguro siya dahil the least na ini-expect na mali-link ang kanyang ka-partner ay kay Julia pa. Bukod sa mas malaki ang kabataan nito kay Enchong, parang hindi sila magka-liga.

Pero ganun ang pag-ibig kapag tumatama. Walang pinipiling tao at ugali. Napakaganda naman ni Julia and I’m sure hindi lang si Enchong ang attracted sa kanya, if ever, although kay Enchong napokus ang atensyon dahil na rin siguro kay Erich.

Dalawang Mayor naghahabol ng p5m kay Aiko?

May demanda na kay Aiko Melendez ang dalawang mayor ng Bulacan. Ipinagtataka ko lang kung bakit sumali na ang lahat ng punong-bayan ng nasabing probinsiya? Wala namang atraso sa kanila ang aktres. Personal ang kaso. Wala ba silang sariling desisyon?

Mukha namang blood for blood ang hanap ng dalawang alkalde dahil ayaw nilang pakinggan ang pangungumbinsi ng vice governor ng Bulacan na si Daniel Fernando na mag-ayos na lang sila. O ’yung tig-P5M ang hinahabol nila?

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

BULACAN

DALAWANG MAYOR

DANIEL FERNANDO

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERICH GONZALES

JULIA AND I

JULIA MONTES

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with