^

PSN Showbiz

Devastated!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Shocked ang mga nanood kahapon ng Juicy Express dahil hindi nila inaasahan na magiging emosyonal si Mo Twister nang magsalita ito tungkol sa problema nila ni Rhian Ramos.

Nagulat ang viewers ng Juicy dahil first time nila na napanood si Mo na sobrang emosyonal.

Ang sey nga ng kanyang co-host na si IC Mendoza, heartbreaking Juicy Thursday ang show nila kahapon dahil sa inasal ni Mo.

Hindi sinabi ni Mo ang dahilan pero devastated siya. Masyadong affected si Mo sa nangyayari sa kanila ni Rhian kaya hindi niya nasipot ang kanyang radio program at TV show noong Miyerkules.

* * *

Out of the country ang Gomez family dahil nagbabakasyon sila sa Guam, ang favorite place ni Richard.

Kasama ni Richard ang kanyang misis na si Lucy at ang anak nila na si Juliana.

Working so hard ang mag-asawang Richard at Lucy para sa constituents nila sa Ormoc City kaya tama lang na magpahinga sila.

Kagagaling lamang nina Richard at Lucy sa Guam noong March pero doon pa rin sila nagbakasyon.

* * *

Na-convince ako ng paliwanag ni US President Barack Obama tungkol sa kanyang desisyon na huwag nang ipakita sa publiko ang mga litrato ng bangkay ni Osama bin Laden para maiwasan ang anumang kaguluhan.

Tiniyak ni Papa Barack na dead na talaga ang most wanted man sa buong mundo at hindi na siya makakalakad sa lupa. Kung ayaw maniwala ng mga nagdududa, sila na ang may problema. Bahala silang mabuhay sa kanilang maling paniniwala. May mga tao na sadyang mahirap i-please. Sila ang mga klase ng tao na mas pinaiiral ang malisya sa kapwa.

Hindi isusugal ni Papa Barack ang name niya at posisyon bilang presidente ng Amerika nang dahil sa mga naghihinala kaya naniniwala ako sa kanya!

* * *

Happy birthday tomorrow kay Rubby Sy, ang big boss ng Flawless. Bukas pa ang birthday ni Rubby pero ngayon ang aming lunch date.

Sasaglit muna ako sa presscon ni Sarah Gero­nimo bago ako makipagkita kay Mama Rubby.

Happy birthday again!

vuukle comment

BARACK OBAMA

JUICY EXPRESS

JUICY THURSDAY

MAMA RUBBY

MO TWISTER

ORMOC CITY

PAPA BARACK

RHIAN RAMOS

RUBBY SY

SARAH GERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with