Mo at Rhian hiwalay na
Seen : Ang palitan nina Mo Twister at Rhian Ramos ng mga makahulugang salita sa Twitter na senyales na may problema sa kanilang relasyon.
Scene : Apektadung-apektado si Mo Twister ng problema nila ni Rhian Ramos. Emosyonal ang mga pahayag niya sa kanyang Twitter post. Nakahanap ng katapat si Mo.
Seen : Ang speed training exercises kahapon ni Congressman Manny Pacquiao sa University of Las Vegas.
Scene : May love problems din si Iwa Moto kaya hindi niya sinipot ang kanyang guesting sa Full Time Moms noong Martes.
Seen : Pinaghihinalaan na may ipinaretoke sa mukha si Ynez Veneracion dahil nagbago ang kanyang hitsura.
Seen : Hindi nalalayo ang plot ng Munting Heredera sa kuwento ng Babaeng Hampaslupa.
Scene : Naghahabol ang cast and crew ng Mutya.
Kahapon ang kanilang last taping day at bukas magtatapos ang kanilang top-rating show sa ABS-CBN.
- Latest





















