^

PSN Showbiz

P-Noy habol sa lamay ni AJ

-

MANILA, Philippines - Ngayong araw na ang libing ng young actor na si AJ Perez na kinitil ang buhay sa isang aksidente sa Tarlac. Humabol sa pakikiramay si Presidente Noynoy Aquino na dumalaw kahapon ng hapon sa burol ng young actor sa Christ The King Church.

Ihahatid sa huling hantungan si AJ sa Manila Memorial Park sa Parañaque City ngayong araw.

* * *

Wala raw masyadong kinikita ang mga artistang sumama sa isang concert sa ibang bansa.

Ayon sa isang source na nakabase sa abroad, allowance lang ang kita ng mga ka-join sa grupo. Pero wala naman daw angal ang mga artista dahil nakakalibre sila ng travel at nakakapasyal.

Pero natrauma raw sumama sa concert ang isang actress dahil nang minsang mag-concert sila, wala itong kinita. Ang nagbigay pa raw ng datung sa aktres ay ang produ ng concert kaya nakapag-shopping ito.

Paano raw kasi ang hatian ng kita sa ganitong concert, nagtatakang tanong ng isang source at bakit walang kinikita ang mga artistang ka-join?

* * *

Eversince daw ay reklamador na talaga ang isang aktor sa taping. At ang paborito niyang i-reklamo, pagkain.

Isang kakilala ng aktor ang nagsabi na wala ngang kupas ang aktor sa pagiging demanding. “Lalo na noong medyo sikat pa siya. Grabe kung magreklamo sa taping,” say ng source.

Lately ay may inaangal daw ang aktor sa trabaho nito kaya may pagkakataong natataranta ang staff ng kinabibilangan niyang programa.

vuukle comment

AYON

CHRIST THE KING CHURCH

EVERSINCE

GRABE

HUMABOL

IHAHATID

ISANG

MANILA MEMORIAL PARK

NOYNOY AQUINO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with