^

PSN Showbiz

AJ Perez tulog nang maaksidente

- SEEN SCENE -

SEEN : Ipinagluluksa ng ABS-CBN at ng mga fans ni AJ Perez ang kanyang maagang kamatayan.

Tanging si AJ ang namatay sa vehicular accident na nangyari noong Sabado ng gabi sa MacArthur Highway, Moncada, Tarlac. Multiple head injuries ang kumitil sa buhay ng batang aktor.

SCENE : Natutulog si AJ Perez at ang kanyang mga kasama  nang mabangga sa isang bus ang van na kanilang sinasakyan. Hindi na namalayan ni AJ ang naganap na aksidente.

SEEN : Nakaburol ang mga labi ni AJ sa La Salle Greenhills. May plano ang kanyang pamilya na ilipat ang burol ni AJ sa Christ the King Church, Greenmeadows, QC.

SEEN : Ang kaibigan ni AJ Perez na si Aaron Villaflor ang pinaka-apektado sa kanyang biglang pagpanaw.

SCENE : Gone Too Soon ang inawit kahapon ni Sam Concepcion sa The Buzz bilang tribute kay AJ. 

Summer season nang mamatay si AJ. Asahan natin na may mag-aalay ng awit na I Never Dreamed You’d Leave in Summer para sa yumaong aktor.

Kinanta sa memorial service para kay Michael Jackson noong 2009 ang Gone Too Soon at I Never Dreamed You’d Leave in Summer.

SEEN : Wala na sa lugar ang pagpapa-cute ni Christian Bautista sa tuwing kumakanta siya. OA na ang dating ni Christian.

SCENE : Ibabalik ng TV5 sa susunod na buwan ang Who Wants To Be A Millionaire? na game show ni Vic Sotto.

vuukle comment

AARON VILLAFLOR

CHRIST THE KING CHURCH

CHRISTIAN BAUTISTA

DREAMED YOU

GONE TOO SOON

LA SALLE GREENHILLS

MICHAEL JACKSON

PEREZ

SAM CONCEPCION

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with