^

PSN Showbiz

Gretchen at Claudine nagkabati na!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Maganda kung totoong nagkabati na ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto. Mas makakatulong ng malaki sa kanilang mga karera kung hindi sila nag-aaway. Mas kiling tayong mga Pinoy sa mga magkakadugo na nagkakaisa, nagtutulungan. Ayaw natin ng mga magpapamilya at magkakamag-anak na nag-aaway-away. Hindi ito kulturang Pilipino.

Kung nagkabati na nga sila, aba malaking tulak ito sa kanilang trabaho, magandang promosyon. May tsansa pa na magkatrabaho sila kundi man sa TV, eh sa pelikula. Doon nila ipakita ang mga galing nila sa pag-arte.

Dalawang cooking show ng GMA 7, nakakalito!

Marami ang nako-confuse sa dalawang cooking shows ng GMA 7. Mas lalo silang naguluhan nung magsimula nang mapanood ang Kitchen Superstar ni Marvin Agustin at meron pang inihihirit ang isyasyon na isa pang cooking show, ang Amazing Cooking Kids na si Carmina Villarroel naman ang host. Parehong bago mag-Eat Bulaga ang time slot ng dalawang prog­rama na tungkol sa pagluluto. Mondays to Friday ‘yung kay Marvin at tuwing Sabado naman’ yung kay Carmina.

Nora may pangako na namang uuwi

Mukhang lahat tayo ay makakabahagi sa birthday celebration ni Nora Aunor sa May 21 dahil sinabi niyang uuwi siya on or before her birthday. Naka-phone patch siya kaya dinig ng lahat ng listeners ng radio program ko ang kanyang mga sinasabi. Ginawa ko ito para hindi ako muling masisi kapag hindi na naman siya tumupad sa kanyang ipinangangako.

Meron lang akong nakikitang hadlang sa kanyang gagawing pagbabalik. Hindi niya maaaring isama si John Rendez. Pero mapipigil ba natin siya kung hindi siya sumunod, lalo’t hindi naman niya ito ihihingi ng free transportation? Nora is Nora and she may still spring a big surprise on all of us. Let us just wait and see.

vuukle comment

AMAZING COOKING KIDS

CARMINA VILLARROEL

CLAUDINE BARRETTO

EAT BULAGA

JOHN RENDEZ

KITCHEN SUPERSTAR

MARVIN AGUSTIN

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with