^

PSN Showbiz

Coco Martin, cradle snatcher

- Veronica R. Samio -

Pagdating sa kanyang lovelife, napaka-secretive nitong si Coco Martin. Pero lately ay na­ba­balita itong nanliligaw sa isang malaki ang agwat ng edad sa kanya. Ito’y si Julia Montes, gu­maganap ng Clara sa bagong bersiyon ng Mara Clara.

“Wala naman itong katotohanan. Mabait ako sa kanya dahil mag-Kapamilya kami. Walang iba pang dahilan. Lubhang napakabata pa niya para ma-link sa isang tulad ko. At kung paano nagsimula ang pagli-link sa amin ay hindi ko alam. Wala itong katotohanan. Nakakahiya sa mga magulang niya. Iniiwasan ko ang mga ganitong bagay sa trabaho ko, focused ako sa work. Tapos, bigla na lang akong matsitsismis sa isang bata pa, huwag naman dahil hindi totoo. Trabaho lang ang puwedeng maglapit sa aming dalawa, walang iba pa,” mariing sabi ng aktor na nakatutok ngayon sa kanyang bagong seryeng Minsan Lang Kita Iibigin kung saan sinasabing nagpapamalas na naman siya ng galing sa trabahong bukod sa gamay na niya ay mahal na mahal niya, ang pag-arte.

* * *

Galit daw si Cong. Chavit Singson kay Jomari Yllana na kaibigan ng kanyang anak na si Ronald na kasalukuyang nakapiit sa Hong Kong dahil sa droga.  Hindi lamang magkaibigan ang kanyang anak at ang aktor, magkasosyo rin ang dalawa sa negos­yo. Nagi-import sila ng mga foreign talents para mag-show dito sa atin. So far, pawang matatagum­pay ang mga nagiging palabas nila. Pero simula nang makulong ang dating kongresista ay hindi pa nagri-resume ang negosyo nila. Siguro dahil may kamahalan na ang pagdadala rito ng mga foreign talents at baka hindi kayanin ni Jomari kung mag-isa lamang siya. Kaya nabalitang magku-concentrate muna ito sa pagpoprodyus ng local shows.

Mga local talents muna ang bibigyan niya ng trabaho dahil marami naman sa kanila ang kayang punuin din maski ang mga malalaking venues tulad ng Araneta Coliseum at MOA concert grounds. Ewan kung maski sa absence ng kanyang friend na si Ronald ay kasama pa rin ito sa mga projects na gagawin niya. Baka naman hindi kaya nagagalit sa kanya ang ama nito?

Malalaman ang kasagutan mamayang hapon sa Showbiz Central kung saan tampok din si Isabel Oli na sinasabing higit na sa friendship ang relasyon sa ex ni Kris Aquino na si James Yap.

* * *

Inaabangan na ng marami ang Celebrity Ukay Ukay na itataguyod ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid para sa Kapuso Foundation sa Abril 15 hanggang 17 sa World Trade Center.

 Maraming paaralan ang gustong ipatayo ng   GMA Kapuso Foundation para sa panga­ngailangan ng mas dumaraming mahihirap na gustong mag-aral kung kaya ito ang proyektong pagtutuunan nilang mabuo ngayon.

Marami na ang tumugon sa panghihikayat ng mag-asawa na mag-donate ng kanilang mga personal na gamit na kanilang maipagbibili sa Celebrity Ukay Ukay.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CELEBRITY UKAY UKAY

CHAVIT SINGSON

COCO MARTIN

HONG KONG

ISABEL OLI

JAMES YAP

JOMARI YLLANA

KAPUSO FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with