^

PSN Showbiz

Melai walang oras matulog!

- Veronica R. Samio -

Hindi naman sa mine-menos ng mga direktor na sina Ted Boberal at Katski Flores ang kakayahang umarte ng magkaparehang Melai Cantiveros at Jason Francisco pero dahil magbibida sila sa kanilang unang serye sa Precious Hearts Romances (PHR) series na pinamagatang Mana Po kung kaya minarapat ng dalawang direktor ng nasabing serye na isailalim sila sa isang acting workshop.

 “Hindi pa sila kilala bilang actors, mas kilala sila bilang reality stars. Para maipakita sa tao na mayroon silang maibibigay beside the reality of life kung kaya pinag-workshop namin sila. Nagulat pa kami at nakahinga ng maluwag dahil nakapag-deliver sila. Dumarating sila sa set na memorized na ang mga linya nila. Alam na nila ang mga characters at makikita ng lahat ang effort at aral na ginawa nila sa characters nila,” ang magkasabay na paliwanag ng dalawang direktor.

Sa tanong kung hinog na ba sila para magbida sa sarili nilang serye, sinabi ni Melai na “Hindi over-over. Tamang-tama lang. ’Yun lang pinipiga kami para mailabas ang gusto ng mga direktor namin. Masaya naman sila dahil nakikita nilang nakakaya naman namin ang ipinagagawa nila.”

Si Jason ang naringgan ng reklamo dahil kinailangan ni Melai na iwan ang Banana Split para magka­panahon itong matulog. May ibinibigay naman sa kanyang bagong kapareha pero sabi nga niya ay mas gamay na niyang kasama ang girlfriend niya. Kaya pinakikiusapan niya itong bumalik. Sinabi nitong sa break na lang nila matulog si Melai pero dedma lang ang dalaga.

kinuwento ni Melai na talagang sabik na sabik siyang matulog. Kulang na kulang siya nito. Minsan naman ay nakatulog siya ng 11 oras, ’yun nga lang na-late siya sa taping at napagalitan pa siya.

Palabas na ang Mana Po sa Lunes, Peb. 21, sa Hapontastic ng ABS-CBN, pagkatapos ng Agimat Presents Kapitan Inggo.

* * *

Sa cast ng Mana Po, kasama ang sinasabing look alike ni Anne Curtis ngayon na si RR Enriquez. First teleserye ito ni RR na flattered sa sinasabing pagkakamukha nila ni Anne pero dahil nahihiya siya rito kung kaya gumagawa siya ng paraan para maiba ang kanyang hitsura. Sinasabi ng marami na may mga ipinabago siya sa kanyang sarili para siya makamukha ni Anne, tulad ng kanyang ilong pero pilit niya itong itinatanggi at sinabing orihinal pa ang mga parte ng katawan niya.

Kung papayagan siya ay mawawala na rin siya sa Banana Split. Nag-resign na siya pero pinag-iisip pa nila siya ng mabuti bago nila pagpasyahan ang resig­nation niya.

 “Hindi naman ako nagtatampo, ang dami-dami na lang kasi namin sa show kaya may mga segments na akong nawawala. Naisip ko na lang na mag-give way sa mga bago tutal nabigyan na naman ako ng exposure sa show,” paliwanag ng sexy actress.

Best friend ni Melai ang role niya sa Mana Po. Isa siyang chef, hindi sexy kundi tomboyish ang character niya.

* * *

Tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon ng Valentine sa Maalaala Mo Kaya nga­yong gabi as it brings together once again Matt Evans and Melissa Ricks sa isang love story na tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng maraming kabataan ngayon.

Gagampanan nila ang papel nina Bobit at May, two young lovers na sa kabila ng paglipas ng panahon at pagsubok ay pinangibabawan pa rin ng pag-ibig at pagmamahal.

Don’t miss this very special episode ng MMK sa direksiyon ni Roni Velasco! Kasama pa rin sinaTom Rodriguez, Thara Jordana, Helga Krapf at Charee Pineda.

vuukle comment

AGIMAT PRESENTS KAPITAN INGGO

ANNE CURTIS

BANANA SPLIT

MANA PO

MELAI

NILA

NIYA

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with