^

PSN Showbiz

Kasal wala sa bokabularyo nina Jennylyn at Dennis

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Gaya sa mga kasama sa Dwarfina, enjoy si Janice de Belen sa fantaserye dahil light ang mga eksena at pahapyaw lang ang drama. Ikinatutuwa rin nitong pambata ang show at karamihan sa mga viewers nila ay mga bagets.

Ikinuwento ni Janice sa press kung paano yumaman ang karakter niya, pero ’di namin isinulat at baka may gimik si Direk Mike Tuviera kung paano idi-divulge ang tungkol dito.

Anyway, sa Feb. 26 na ang kasal nina John Estrada at Priscilla Meirelles at hindi maiwasang tanungin si Janice kung pupunta?

“It’s not my wedding, bakit ako pupunta? In fairness to them, it’s their life at ayaw kong maging circus halimbawang pumunta ako. I deserve better,” sabi ng aktres.

Sa tanong kung magpapadala ba siya ng cake, ang sagot ni Janice, “Sorry mahal na ang cake pero okay lang ang mga anak ko na pumunta sa kasal. ’Wag na ako.”

* * *

Masaya ang TV5 sa nami-maintain na ratings ng Babaeng Hampaslupa at dahil dito, tuloy ang ipinangako nilang i-extend ang dramaserye. Pinag-uusapan pa ng mga writers kabilang ang friend naming si Dinno Erece kung ilang weeks ang extension ng dramaserye.

Palalakasin pa ang dramaserye dahil kasama na sa cast sina Ariel Rivera na papasok sa week four at si Eddie Garcia na papasok sa week five. Tunay na ama ni Stephanie (Karel Marquez) ang role ni Ariel at rich businessman na makakalaban ni Susan Roces naman ang role ni Eddie.

For the longest time, loyal sa GMA 7 si Eddie Garcia, pero wala pa siyang project after Koreana na malapit nang magwakas, kaya lumipat muna.

* * *

Magre-renew ng kanyang kontrata sa GMA Network this Friday si Dennis Trillo at sabi nito sa taping ng Dwarfina, another three years ang kanyang pipirmahan. Eight years na sa Channel 7 ang aktor, inaalagaan siya ng network, kaya walang makitang rason para lumipat ng ibang istasyon.

Happy din siya sa mga projects na ibinibigay sa kanya, gaya ng fantaserye nila ni Heart Evangelista na kinagigiliwan ng mga viewers.

Kahit GF na ni Dennis si Jennylyn Mercado, inamin nitong humahanga pa rin siya kay Heart dahil “maganda siya at sobrang pleasing ang personality at kahit sinong guy ay mame-mesmerize sa kanya,” sabi ni Dennis.

Matagal pa ang itatakbo ng Dwarfina, kaya ini-enjoy ni Dennis ang bawat eksenang gawin kahit minsan nahirapan siya. Nami-miss ng aktor na gumawa ng action series, tingnan natin kung pakinggan siya ng Channel 7.

Pareho pala sina Dennis at Jennylyn na hindi marrying kind. Una naming narinig sa aktres na wala siyang balak magpakasal uli at ganun din ang aktor.

Ayaw niyang magsalita ng tapos, pero sa ngayon, hindi niya makita ang sarili na ikinakasal.

vuukle comment

ARIEL RIVERA

BABAENG HAMPASLUPA

DENNIS TRILLO

DINNO ERECE

DWARFINA

EDDIE GARCIA

HEART EVANGELISTA

JANICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with