^

PSN Showbiz

MTRCB mas malawak na!

- Veronica R. Samio -

Dapat lang naman na maraming artista ang bumuo sa grupo na magrerepaso ng mga pelikula na ipalalabas sa sinehan at mga napapanood sa TV.

Sila ang higit na nakakaalam kung ano ang dapat panoorin sa malaki at maliit na screen bagaman at naniniwala ako na dapat ay may makasama rin silang non-showbiz para naman maging makataru­ngan ang gagawin nilang paghusga sa mga susuriing palabas.

Ang chairman ng Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB), Grace Poe Llamanzares, ay nagpapakita ng malawak na pang­-unawa at pagtanggap sa mga pelikula  at palabas sa TV na dumaraan sa kanyang opisina.

Ilan sa mga artista na napili na para umupo bilang miyembro ng MTRCB ay sina Gladys Reyes, Liezl Martinez at Bobby Andrews.

Vic inayawan si Toni

Sayang dahil magkalaban na sila tuwing tanghali sa TV dahil nagsimula na kahapon ang noontime show ng ABS-CBN na direktang makakatapat ng Eat Bulaga kung kaya si Vic Sotto na raw mismo ang nagpasya na huwag nang ituloy ang pelikulang pagsasamahan sana nila ni Toni Gonzaga.

Nakakahinayang dahil kahit na pinaplano pa lamang ito ay magagandang feedbacks na ang nakukuha ng both parties.

Drama Princess ikakasal na sa hot showbiz boyfriend

Hindi buwan ng kasalan ang Pebrero pero siguro dahil buwan ito ng mga nag-iibigan kung kaya ang mga balita mamayang hapon sa Showbiz Central ay tungkol sa mga naganap na marriage proposals at ang napipintong pagpapakasal ng ilang celebrities natin.Tulad ni Kyla na may exclusive photos sa ginanap na proposal sa kanya ng kanyang sikat ding boyfriend na isang baskebolista.

Ikakasal na rin daw ang isang drama princess sa kanyang hot showbiz boyfriend. Nakunan nga ba ang dalawa habang binibigyan ng soon to be groom ng singsing ang kanyang gustong maging bride?

vuukle comment

BOBBY ANDREWS

DRAMA PRINCESS

EAT BULAGA

GLADYS REYES

GRACE POE LLAMANZARES

LIEZL MARTINEZ

SHOWBIZ CENTRAL

TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with