^

PSN Showbiz

TV5 'nagulo' sa pagpasok ni Aga Muhlach

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Nangako si Kris Aquino na sa taong 2011 hindi na raw siya makikialam sa lovelife ng kapatid niyang si Pres. Noynoy Aquino.

“As far as his lovelife is concerned, quiet na ako ‘di na ako makikialam sa buhay pag-ibig niya dahil mahal ko siya at gusto kong lumigaya siya, para naman sa kanyang sarili,” pahayag ni Kris.

Ipinakilala na raw sa kanilang magkakapatid ang dini-date ngayon ni P-Noy na si Len Lopez at tingin naman daw niya, mabait ito at napaka-eleganteng babae.

Pangako naman ni Kris sa kanyang sarili: “Magkaroon talaga ng sapat na oras para sa dalawang anak ko, para sa sarili ko, higit sa lahat para sa Diyos, bongga and kung darating man ang pag ibig darating lang ‘yan wag nating pilitin.”

TANONG : Totoo kaya ang nakarating na balita sa amin na sa pagpasok ni Aga Muhlach sa TV5, nagulo raw ang ibang artistang matagal nang nasa istasyon?

Parang hirap daw i-handle ngayon ng mga taga-TV5 ang pagpasok ng mga malalaking artista dahil hindi na raw nila alam kung saan nila ito ilagay.

Nung una ay si Willie Revillame at ngayon naman ay si Aga na wala pang announcement kung anong programa ang gagawin sa TV5. Kaya ang iba raw ay parang nagtatampo na dahil naisasantabi na at sa mga bagong artista sila naka-focus.

TOTOO KAYA ang usap-usapang nasagap namin sa Boracay na ang star ng Glee na si Mark Salling ay mas type makipag-tsugihan sa mga transvestite?

Matagal nagbakasyon sa Boracay nung nakaraang Pasko si Mark o mas kilalang si Puck ng Glee at tuwing lumalabas daw ito pag gabi ay siyempre pinagkakaguluhan ng mga girls. Pero may nakasilip daw na may bitbit itong magandang transvestite sa kanyang hotel.

TSIKA LANG : Swimming ang isa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Aljur Abrenica bilang paghahanda sa bagong project niya sa GMA Telebabad na Machete.

Bagong gawa ang resort ni Aljur sa Batangas at doon siya naglalagi nung nakaraang bakasyon para makapag-swimming.

Lalong gumanda ngayon ang katawan ni Aljur na bumagay naman daw sa kanyang role na Machete.

Hiningan din daw niya ng payo ang original Machete na si Cesar Montano na nagbigay rin ng suporta sa young actor.

AGA MUHLACH

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BORACAY

CESAR MONTANO

KRIS AQUINO

LEN LOPEZ

MARK SALLING

NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with