^

PSN Showbiz

GMA 7 may engrandeng New Year Countdown

-

MANILA, Philippines - Sasalubungin ng GMA 7 ang bagong taon sa pamamagitan ng isang engrandeng selebrasyon sa 2010 To 2011: The GMA New Year Countdown sa Seaside Boulevard, Pasay City ngayong Biyernes, Dis­yembre 31.

Mag-uumpisa ang party sa isang maningning na parada ng mga Kapuso stars at isang fireworks display. Susundan ito ng isang dance number mula sa Starstruck discoveries na sila Aljur Abrenica, Mark Herras, Paulo Avelino, Enzo Pineda, Rocco Nacino at Steven Silva kasama ang magaga­ling na Kapuso singers.

Siguradong may wow factor rin ang performan­ces mula sa The Great American Circus, GMA Tween Royalties, Sexbomb dancers, Kamikazee at marami pang iba!

Bukod sa performances, makikipag-bonding ang Kapuso stars sa kanilang fans at TV viewers sa games at surprises na sadyang pinaghandaan para mapasaya ang lahat.

Tampok din ang greetings ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang parte ng mundo via GMA Pinoy TV.

May miyembro pa ng audience na papala­ring ma­tawagan at makausap ang kanyang loved ones abroad!

Siguradong masaya at walang tulugan ang gabi kasama sina Kuya Germs, Janno Gibbs, Gabby Eigenmann, KC Montero at DJ Rico Robles bilang mga host ng nasabing event.

Mag-uumpisa ang Parade of Lights and Stars sa ganap na 8:00 p.m. at 10:45 p.m. naman ang show na may live telecast sa GMA 7.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ENZO PINEDA

GABBY EIGENMANN

GREAT AMERICAN CIRCUS

JANNO GIBBS

KAPUSO

MARK HERRAS

NEW YEAR COUNTDOWN

PARADE OF LIGHTS AND STARS

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with