^

PSN Showbiz

Sino sa mga Star Power contenders ang magniningning?

-

MANILA, Philippines –  Walang mapagsidlan ng tuwa ang Star Power girls nung nakaraang Linggo matapos i-reveal ni Megastar Sharon Cuneta na walang mae-eliminate sa kanila sa naturang showdown. Ngunit ngayong Linggo, ang sayang kanilang nararamdaman ay muling mapapalitan ng kaba dahil isa na naman sa nalalabing contenders ang napipintong magpaalam sa kumpetisyon.

Ganumpaman, dapat pa ring maging maligaya ang Star Power finalists dahil kailangan nilang awi­tan ang kanilang paborito at pinakapinag-uusapang Kapamilya leading men - Derek Ramsay, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, Jericho Rosales, Sam Milby, and John Lloyd Cruz. Plus, ituturo ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla at siyempre, ni Mega, sa mga girls ang paglalabas ng tamang emosyon sa pagkanta.

Mamimili ang hot na hot na leading men ng kantang maaring nagpatibok o nagpaantig sa kanilang puso at kailangan itong awitin ng mga Star Power contenders.

“Siyempre kabado na naman kaming mga girls. Before we only sing for ourselves, now we have to serenade television’s most handsome leading men. Nakakakilig di ba? But we have to give our best shot,” ani Akiko na tubong Cebu.

Lubos namang natuwa si Krissel sa Divine Diva. Aniya, parang si Mega raw ito na itinuturing silang mga anak sa showbiz. “Nakaka-touch po talaga si Ms. ZsaZsa. Tinandaan ko po talaga ‘yung unang advice niya sa amin dati, at ngayon na mine-mentor niya kami, hindi ko po kakalimutan ang mga itinuturo niya.”

Sino kaya kila Akiko Solon (Cebu), Ninay Lescano (Lipa City), Kaye Racho (Cebu), K-La Rivera (Canada), Angeline Quinto (City of Manila), Krissel Valdez (Davao) at Monica Sacay (Leyte) ang magniningning ng husto at tatanghaling Sharon’s Next Female Pop Superstar?

Sino sa mga Star Power contenders ang magniningning at mamahalin ng husto? Para iboto ang iyong paboritong contestant, i-text lang ang SPOWER <space> <name of contestant> at i-send to 2331 para sa Globe, TM, and Sun Cellular subscribers at 231 para naman sa Smart and Talk ‘N Text subscribers.

Para sa bulk voting, i text ang SPOWER BULK —Globe, Touch Mobile, Smart and Talk and Text and  Sun Cellular—sa 2366. 

vuukle comment

AKIKO SOLON

ANGELINE QUINTO

CEBU

CITY OF MANILA

DEREK RAMSAY

DIVINE DIVA

DIVINE DIVA ZSA ZSA PADILLA

GERALD ANDERSON

STAR POWER

SUN CELLULAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with