^

PSN Showbiz

Ryan at Juday inakusahang maramot ng fans

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Napaka-gandang welcome ang ipinagkakaloob kay Manny Pacquiao ng kanyang mga kababayang Pinoy at maging ng GMA 7 dahil bukod sa full page welcome ad, ginawan din siya ng Kapuso network ng isang Pacmania weekend, kahapon at ngayon, na kung saan tampok si Manny sa mga up to the minute flash reports, nag-guest din siya sa Startalk at sa isang homecoming concert sa SM Mall of Asia ngayontg gabi na mapapanood sa Show Me Da Manny.

Ipinalabas din ang pelikula niya sa Kapuso Film Festival at ang hero’s welcome sa kanya ngayon sa Party Pilipinas. Mapapanood din siya sa Showbiz Central ngayong hapon. On top of this ay isang masaganang tanghalian na kung saan makakasama niya ang mga pangunahing Kapuso stars and executives sa GMA Compound. Whewww!

*    *    *

Sa pagnanais ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos Agoncillo na mairaos sa napaka-pri­badong paraan ang ilang mga pangyayari sa kanilang buhay tulad ng kasal nila, at lately, ang binyag ng kanilang anak na si Baby Lucho, tila dumarami ang mga tagasubaybay nila na nagtatampo na sa kanila.

Maraming tumatawag sa aking programa sa radio ang nagpapaabot ng kanilang pagtatampo sa mag-asawa. As if daw magi-gate crash sila, hindi sila ang tipo ng mga fans na pumupunta sa mga lugar at okasyon na kung saan ay hindi sila imbitado. Pero sumama raw talaga ang loob nila ng mabasa na nagpabinyag na ng anak ang dalawa nang hindi man lamang nila ipinaalam. Feeling nila, ang damut-damot na ng dalawa.

*    *    *

Sana maging maganda ang pagbabalik ni Mariel Rodriguez Padilla sa E Live. Ngayong wala na si Cesca Litton, hinihintay na ng marami ang appearance ng misis ni Robin sa nasabing show.

Excited din ang lahat na malaman kung paano ang magiging muling pagsa­sama nila sa show ni Luis Manzano. Nagkaroon ng issue ang dalawa ‘di ba?

vuukle comment

BABY LUCHO

CESCA LITTON

E LIVE

JUDY ANN SANTOS AGONCILLO

KAPUSO

KAPUSO FILM FESTIVAL

LUIS MANZANO

MALL OF ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with