^

PSN Showbiz

Fans ni Sarah, ang titiyaga!

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Ang sipag mag-update sa Facebook ng fans ni Sarah Geronimo.

Bawat galaw ng pop princess, naka-update ang kanyang fans.

Lahat din ng puntahan niya, may photos ang isang grupo ng fans niya.

Maligayang-maligaya na sila na parating nakakasama ang kanilang idolo na abala ngayon sa pictorial at shooting ng bagong endorsement.

Actually, big time ang mga fans ni Sarah. May ilan pa sa kanilang sumasama sa pop princess sa abroad pag may concert. At hindi sila libre. Sila ang gumagastos sa sarili nila.

Nakakabilib no.

*    *    *

True kayang ang tatay ng isang controversial personality ay isa ring kilalang negosyante na kamakailan lang nakilala nitong si controversial personality.

Ito kasi ngayon ang kumakalat na issue. Pero anak lang daw sa labas ang nasabing personalidad kaya hindi nito maideklara sa madla ang tunay na ama niya.

Kasi naging other woman lang daw ang nanay ng controversial personality ng nasabing negosyante kaya hindi legal na anak ang controversial personality.

Hmmm. Tuklasin natin kung sino sila dahil wala namang nalilihim sa showbiz. Lalabas at lalabas din ang totoo tungkol dito.

vuukle comment

BAWAT

FACEBOOK

HMMM

KASI

LAHAT

LALABAS

MALIGAYANG

NAKAKABILIB

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with