^

PSN Showbiz

Kris tinanggal na ang Yap sa apelyido

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natawa kami sa manager ng guwapong young actor na hindi na itinuloy ang panliligaw sa kaparehang young actress sa GMA 7 soap dahil may BF na ang actress. Sabi ng manager sa talent, ituloy ang panliligaw sa ka-loveteam dahil hindi pa naman ito kasal sa nobyo. Kaya ka­hit ma­ging kontrabida ang talent sa love story ng ka­pa­rehang actress at nobyo nito, binigyan ng go signal ang alaga na i-pursue ang kapareha.

Ang advantage ng gu­wa­pong young actor sa BF ng ka-loveteam, ma­rami ang may gusto sa tambalan nila ng young ac­tress. Ang pinaka-big fac­tor pa, gusto siya ng pamilya ng young actress kesa nobyo nito.

*    *    *

Nabasa ni Kris Aquino ang article ni Ricky Lo tungkol sa ex niyang si James Yap na lumabas sa Philippine Star last Sunday. Sinang-ayunan nito ang nabanggit ni James na mas maayos ang komunikasyon nila ngayon at hindi na-offend si Kris na ayaw siyang pag-usapan ng ex.

May dagdag na tweet si Kris na siguro naman, hindi ikagagalit ng lawyer ni James na si Atty. Lorna Kapunan. Sabi ni Kris: “My new last name is the old 1, Aquino. He doesn’t have a GF yet, but I do know the time will come when we’ll really be good friends. Y? Because of Bimby-who told me when he’s 4 years old, we have to call him James because he’ll be a big boy then.”

Heto pa: “My fave song for James is Gwen Stefan’s Cool,” at talagang twinet ni Kris ang paragraph ng song na babagay kay James.

*    *    *

Ipa-o-auction ni Noel Ferrer, manager ni Luis Alandy sa radio show nila ni Dolly Ann Carvajal sa Wow FM 103.5, ang trunks na ginamit ng actor sa Beauty Queen, sa eksenang sumali sila ni Iza Calzado sa Bikini Open contest. Kahapon at ngayon mapapanood ang nasabing eksena na last Saturday lang kinunan ni direk Joel Lamangan.

Si Noel na rin ang nag-deny sa tsikang may gay benefactor si Luis at wala rin itong GF, pero ayaw nang pag-usapan si Mo Twister. Kundi ma­papalitan, kasama si Luis sa epic serye ni Marian Rivera sa GMA 7 next year.

*    *    *

May regular show na uli sa GMA 7 si Daniel Matsunaga dahil papasok siya sa Grazilda at bagong makakapareha ni Glaiza de Castro. 

Ibinalita naman ni Heart Evan­gelista sa Twitter na mag­gi-guest siya sa isang show na malapit nang magtapos at white princess ang role niya. 

vuukle comment

BEAUTY QUEEN

BECAUSE OF BIMBY

BIKINI OPEN

DANIEL MATSUNAGA

DOLLY ANN CARVAJAL

GWEN STEFAN

HEART EVAN

IZA CALZADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with