^

PSN Showbiz

Marian at Pokwang muntik nang mag-away

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kundi nalinaw ng Regal Films, may controversy na naman sanang puputok tungkol kay Marian Rivera na hindi nito alam. Natsikang nag-walkout ang actress sa set ng Super Inday and the Magic Bibe dahil na-insecure daw sa mas magandang costume ni Pokwang.

‘Yun naman pala, hindi pa nakikita ni Marian ang costume dahil sina Roselle Monteverde at Manny Valera na supervising producer palang ang nakakita at ang dalawa ang nag-disappprove sa costume at sila lang ang nakakaalam kung bakit.

May kung sinong taong pinanggalingan ng maling tsismis na mabuti’t nakorek agad. Ang natatandaan namin, ang request ni Marian ay ‘wag masyadong ipareho sa costume niya sa Darna ang susuutin niya sa Super Inday para hindi makumpara.

* * *

Pinuri ang acting ni Lovi Poe as young Amparo (Eli­zabeth Oropesa) sa Beauty Queen at pati ang pagsusuot nito ng one-piece sa beauty pageant scene ay nagustuhan. Very hot daw ang actress at may nag-suggest na patuloy siyang bigyan ng GMA 7 ng hot role at hot scene.

Isa si Lovi sa mga rason kung bakit maganda ang ratings ng pilot ng soap na nakakuha ng 9.5 percent sa AGB Nielsen dahil pati rape scene nito kay James Blanco ay inabangan.

* * *

Hindi pa rin feel ni Karen delos Reyes si Pretty Trizsa dahil sa mga hindi magandang ginawa at ikinilos ng co-castaway sa 14 days niya sa Survivor Philippines : Celebrity showdown. Wala siyang pakialam kung malaman ng komedyante na ayaw niya rito.

Si Akihiro Sato ang gusto ni Karen na maging ultimate survivor at manalo ng P3 million at “my hero” ang tawag niya rito. 

Pero hindi si Aki, kundi si Ahron Villena ang nakikita ni Karen na puwede siyang magka-crush. Nitong nakabalik na lang sila niya nakitang gwaping ang binata dahil noong nasa isla sila, dugyot ang tingin niya sa kanilang lahat.

Kilala si Karen as the castaway na may kakaibang vocabulary at nagpa-uso ng dulot. Sabi nito, ang mga ganung salita ay daga-daga ang tawag at mga salita mula sa mga totoong tao at narinig niya sa tito niya na taga-Tondo.   

vuukle comment

AHRON VILLENA

AKIHIRO SATO

BEAUTY QUEEN

JAMES BLANCO

LOVI POE

MANNY VALERA

MARIAN RIVERA

NIYA

PRETTY TRIZSA

REGAL FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with