^

PSN Showbiz

Sam ayaw nang magpa-po kay Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Ngayon ay patindi nang patindi na ang mga eksena sa Idol na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at Sam Milby.

Madalas na ring magkasama ang dalawa sa bawat eksena na talaga namang nakapagpapakilig sa mga manonood. “We’re happy and at the same time, mas kumportable na kami ni Sarah sa isa’t isa. The story is working around the two of us na. Sinagot niya ako, so we have a lot of more taping days together,” nakangiting bungad ni Sam.

Sa pagiging close daw ng dalawang bida sa nasabing serye ngayon ay ayaw na raw magpatawag ng “kuya” ni Sam kay Sarah. “She’s gotten better, sabi ko sa kanya ay huwag mo na ako i-kuya or i-po, I mean 19 pa lang ako. Mukhang 26 lang pero 19 lang, ‘yung 26 screen age lang, ‘yung totoong edad ko ay 19 lang. I call her ate ‘no. Sometimes she calls me kuya or pino-po niya ako but not as much anyway so happy ako,” dagdag pa ni Sam.

Bukod sa pagkanta, paggigitara at pag-arte ay may iba ring love si Sam ngayon, ang pagtugtog ng piano. “Yung mga pianos na nagla-light up ‘yung key like it shows you what keys to play and you just follow. I learned some of the songs like 2 songs through that and then there’s a few songs na nakikinig lang ako and I just try to play it over and over and guess the keys. I think with the piano you can do a lot more with music and piano is one thing that I love to learn,” kuwento pa ni Sam.

Will Sam play the piano for Sarah? Who knows? Mukhang exciting!

Matapos mag-break, Kim at Gerald nagtatantiyahan pa!

Masasaksihan na nating muli ang pagsasama nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa big screen dahil ipalalabas na sa October 27 ang kanilang pinakabagong pelikula titled Till My Heartaches End.

Halos araw-araw daw magkasama ang dalawa dahil sa shooting ng nasabing pelikula.

Balita namin ay nagkakailangan na raw ang dalawa ngayon sa shooting ng sarili nilang pelikula? “Nagtatantiyahan kami sa isa’t isa,” bungad ni Kim.

“Kakaiba kasi ang roles namin kaya lahat ay naninibago pa, last acting job namin ay Kung Tayo’y Magkakalayo, medyo matagal na so nakapagpahinga kami and we’re ready to work,” sagot naman ni Gerald.

Sa pagkakaroon ng problema nina Kim at Gerald kamakailan ay matunog din ang balitang last movie na raw ito ng dalawa? “Sa amin ni Kim imposible na hindi kami magkakaroon ng project na magkasama ulit. Hindi rin namin masasabi kung last project namin ito dahil hindi po kami management , artista lang po kami, we’re just doing our job,” paliwanag pa ni Gerald.

“Sana po ay maging okay na lahat and sana ay huwag na natin isipin kung ano man ang na­ging problema, basta ang ginagawa naming movie ay para sa kanila and sana suportahan pa rin po nila,” pagtatapos naman ni Kim.

The Kimerald tandem will always be hot! - Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

GERALD ANDERSON

KIM CHIU

KUNG TAYO

LANG

MUKHANG

SAM

SAM MILBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with