^

PSN Showbiz

Programming ng GMA 7 babaguhin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Negative ang epekto nang maagang pagku-quit ni Princess Snell sa Survivor Philippines: Ce­lebrity Showdown dahil takot ang ilang staff ng mga show ng GMA 7 na bigyan siya ng project at baka ‘di tapusin.

May tsikang humingi sa GMA Artist Center ng isang female talent ang mga taong involved sa Grazilda dahil kulang pa sila ng artista. Ibi­nigay ng GMAAC si Princess, pero tinanggihan dahil baka raw mapagod sa taping, biglang umuwi kahit may mga eksena pa siyang kukunan.

Pabiro ang sagot nang tumawag sa GMAAC, pero may basehan ang pagtanggi kay Princess. Malayo ang location ng Grazilda dahil kundi sa Bagac, Bataan, sa Pampanga at may Baguio pa silang location.

Malaking problema nga naman kung biglang ma­pagod si Princess ha­bang nasa kalagitnaan ng taping at umuwi, maraming madadamay at masi­sira ang trabaho.

* * *

Agad naming nahulaan ang gustong tukuyin ni Iza Calzado sa tweet niya kahapon na “got some really good news last night! Thank You God for the sudden twist of fate!!!” May kinalaman ito sa pagbabago ng timeslot ng bago niyang soap na Koronang Papel dahil sa halip na ilagay sa Sine Novela slot sa afternoon, ilalagay na ito sa primetime.

Dapat ang Koronang Papel ang ipapalit sa Ba­sahang Ginto, pero nagdesisyon ang mana­gement na ilagay ito sa primetime at kung anong soap ang papalitan, ‘yun ang hindi pa namin alam. Obviously, may pag­ba­bago sa programming at baka ‘yung pang-primetime ay ilalagay sa afternoon slot.

Si Joel Lamangan at hindi si Maryo J. delos Reyes ang director ng Koronang Papel na balik-tambalan nina Iza at TJ Trinidad.

* * *

Ang i-pursue ang election protest sa kina­labasan ng election sa Manila ang focus at priority ni Lito Atienza habang wala siya sa politics. Hindi lang para sa kanya, kundi para na rin sa mga taga-Manila lalo na ‘yung mga bumoto sa kanya.

May pakiusap lang si Mr. Atienza sa Comelec na bilisan ang aksyunan ng kanyang protesta habang mababasa pa ang nakasulat sa mga na­basang balota.

Kasama rin sa agenda ni Mr. Atienza na ituloy ang pagpo-produce ng Maynila : The Movie at ku­­kunin niyang co-producer si Manny Pacquiao at kukunin ang pinsang si Jackie Atienza para tumulong sa production.

Pareho silang hindi aarte ni Manny sa pelikula, pero may binabalak siyang project kay Manny na babagay dito. Puwede raw itong gumanap na Lapu-Lapu o ibang Filipino hero.

Samantala, nakapag-taping na ng six episodes sa Maynila si Mr. Atienza at tuluy-tuloy ang paglabas niya sa Saturday show ng GMA 7.

Nagi-enjoy daw siyang umarte.

* * *

Sina Derrick Monasterio at Louise delos Reyes ang magka-loveteam sa grupo ng Kapuso Tween Stars ng GMA 7. Pagtatambalin sila sa ba­gong episode ng Lovebug entitled Twins kasama ang loveteam nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio at Bea Binene at Jake Vargas.

Anak ng aktres na si Tina Monasterio si Derrick at nagsimula sa commercial at ngayon ay susu­bukan ang showbiz.

Hilig niya ang showbiz, pero ngayon lang na­bigyan ng chance at nangakong pagbubutihin ang bawat ibigay na trabaho sa kanya.

Napanood sa Pilyang Kerubin si Louise na agad wi­nelcome si Derrick as her new loveteam. Kung si Derrick ay si Rhian Ramos ang crush, si Louise nama’y sina Richard Gutierrez, Jay Perillo, at Chris Tiu.

ARTIST CENTER

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

CHRIS TIU

DERRICK MONASTERIO

GRAZILDA

IZA CALZADO

KORONANG PAPEL

MR. ATIENZA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with