^

PSN Showbiz

Christian nagpapahawak ng abs!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa halip na sumagot, pinahawakan nina Chris­tian Bautista at Joross Gamboa ang chest nila para malaman kung ilang pack ang ka­nilang abs. Pero hindi namin nabilang. Sa Cosmo Bash sa Septem­ber 9, masisilayan ng buong ningning ng ma­nonood ang abs ng da­lawa pati ng ibang ra­rampa dahil magta-topless sila at kung ga­ganahan, baka more than their abs pa ang ipakita nila sa pagrampa sa World Trade Center.

Tiniyak nina Joross, Rocco Nacino, Matteo Guidicelli, Fabio Ide, at Christian na rarampa sila sa show sa direction ni Rico Gutierrez, pero ang cover boy ng Cosmopolitan Men supplement na si Sam Milby, hindi sure dahil may taping. Aayusin daw niya ang schedule para makapunta at maka-rampa para hindi ma-disappoint ang female population na susugod sa WTC.

* * *

Back sa Music Museum si Gary Valenciano with a series of shows billed Gary V: Soul In Motion scheduled on September 16, 17, 22, 23, 29, & 30. Si Gary mismo ang director ng sariling concert at si Mon Faustino ang musical director. Ang scholarship fund ng Shining Light Foundation, Compassion to One at Unicef ang beneficiary ng concert.

Magtutulong sina Gary at Gab Valenciano as mu­sical arranger at gagawa naman ng videos si Paolo Valenciano. Daughter Kiana will guest in some shows at nag-offer mag-guest si Regine Ve­las­quez on any night at kundi kami nagkakamali, matagal nang hindi nagsasama sa show sina Gary at Regine, last show ito ng huli before her wedding to Ogie Alcasid.

Samantala, hindi na lumaki ang isyu kina An­nabelle Rama at Angeli Pangilinan-Valenciano dahil parehong nanahimik ang dalawang kampo.

Malay natin, maging friends uli sila!

* * *

Naiintriga na rin si Bela Padilla and she gets upset, pero iniisip na lang na may magandang na­ki­kita sa kanya ang tao para siya’y intrigahin. Natu­tuwa rin siya sa feedback na malaki ang impro­vement ng acting niya sa Endless Love at hindi na siya stiff umarte.

Bukod sa sumikat at gumaling na artista, ma­ging beauty queen ang isa pa sa big dream ni Bela at next year, sasali siya sa Bb. Pilipinas para sun­dan ang yapak ni Venus Raj.

“If tingin ko ready na ako next year, sasali na ako. When I saw Venus, I see myself in Mandalay Bay in Las Vegas. Idol ko si Venus, I love her posture, how she walks and her confidence at feel­ing ko, I’ll do well in the interview.”

Ipinagtanggol din nito si Robin Padilla sa isyung pinababayaan nito ang anak na si Ali at ‘di naniniwalang gustong umuwi ni Ali sa Australia dahil nagi-enjoy ang bagets dito. Tsika ni Bela, ‘pag na­nonood ng banda ang bata, umaakyat sa stage at nakiki-jamming.   

* * *

Sabi na nga ba’t magre-react ang fans nina Re­gine Velasquez at TJ Trinidad sa balitang baka hin­di ang actor ang makapareha ni Songbird sa I Heart U Pare! dahil kay Iza Calzado na Koronang Papel siya (TJ) itatambal.

Isa kami sa in-email ng fans para iparating sa GMA 7 management ang request nilang si TJ muli ang ipareha kay Regine sa bago nitong show. Disap­pointed daw sila sa ending ng Diva, kaya sana raw, sila namang grupo ng fans ang pasa­yahin ng network.

Kakayanin kaya ni TJ mag-taping ng two daily shows? Sabagay, this September na ang taping ng Koronang Papel at October naman ang sche­duled taping ng I Heart U Pare!

vuukle comment

ALI

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

BELA PADILLA

COSMOPOLITAN MEN

ENDLESS LOVE

FABIO IDE

GAB VALENCIANO

I HEART U PARE

KORONANG PAPEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with