Miss Universe 2010 at 62nd Emmy Awards nasa Kabarkada Network
MANILA, Philippines - Iba kapag sa Kabarkada dahil ang paborito mong primetime ay doble na sa double primetime ng Studio 23.
Simulan ang weekday primetime viewing ng patok na mga Taiwanese series na KO One at Romantic Princess mula 6:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. na agad susundan ng 10-minute showbiz at sports updates ni Gretchen Fullido sa The Wrap.
Matapos ito ay tipunin na ang buong tropa pati buong pamilya para sa Barkada Nights kung saan mapapanood ang mga paborito niyong pelikula tulad ng Pedro Penduko 2 (Aug 17), Ex-Con (Aug 18), Feng Shui (Aug 19) at S2pid Love (Aug 20).
Mag-break muna at tunghayan ang mga naging kaganapan sa loob at labas ng bansa sa News Central bago tuluyang simulan ang ikalawang bahagi ng inyong double primetime treat sa pag-arangkada ng mga paborito mong foreign programs.
Pagpatak ng 9:30 p.m. ay tumutok na sa mga back-to-back US programs na Grey’s Anatomy at Dirty Sexy Money tuwing Lunes; NCIS: Los Angeles at CSI tuwing Martes; Legend of the Seeker at Smallville tuwing Miyerkules; Flash Forward at Ghost Whisperer tuwing Huwebes at Desperate Housewives at 90210 tuwing Biyernes.
Sasabayan pa ang mga ito ng short-e programs na Celebritips na maghahatid ng lifestyle tips mula mismo sa paborito mong mga artista; News Bites na maghahatid naman ng balita’t impormasyon at Quick-E na maghahatid ng pinakabagong update sa tech at online world.
Hindi pa diyan natatapos ang handog ng Studio 23, na ngayo’y may bago ng look at logo, dahil dalawa sa pinakaaabangan at pinakakinikilalang events sa buong mundo ay mapapanood din dito.
Panoorin ang pagrampa ng pambato ng Pilipinas na si Venus Raj sa primetime replay ng Miss Universe 2010 sa Martes (Aug 24), 9:30 p.m., at alamin kung sino ang paparangalan sa 62nd Primetime Emmy Awards sa Lunes (Aug 30) sa pareho ring oras.
Mapapanood din ang Miss Universe 2010 via satellite mula Las Vegas, 9:30 ng umaga, sa ABS-CBN. Kasalukuyang tinututukan ni Dyan Castillejo ang bawat kaganapan sa nasabing pageant at matutunghayan ang kanyang mga report sa TV Patrol at Bandila sa ABS-CBN at News Central sa Studio 23.
- Latest