^

PSN Showbiz

James Yap may rich benefactor?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagkausap na kami ni Krista Ranillo sa tele­pono noong Huwebes at kinumpirma niya ang ba­lita na ikakasal na siya sa kanyang boyfriend na si Niño Lim.

Ang sey nga ni Krista, sana raw eh nasa Ame­rika ako para maim­bitahan niya ako sa kanilang kasal sa August 8.

Ang coming soon wedding nila ni Niño ang main reason kaya hindi muna makakauwi ng Pili­pinas si Krista pero tiniyak niya na magba­bakasyon sila ng kan­yang husband-to be sa October.

Nag-promise si Krista na isa ako sa kanyang mga unang tatawagan para mag-meet uli kami ng kanyang very responsible at mega-rich boyfriend. Halatang-halata sa boses ni Krista ang sobrang happiness na nararamdaman dahil napakatahimik daw ng buhay niya sa Amerika kaya maging masaya na rin tayo para sa kanya.

* * *

Natuwa ako nang malaman ko na may offer si President Noynoy Aquino na puwesto sa PCSO para kay Cesar Montano.

At least, hindi nasayang ang pagsuporta at pagtulong ni Cesar kay P-Noy noong nakaraang eleksiyon.

‘Yun nga lang, hindi pa puwedeng tanggapin ni Cesar ang offer ni P-Noy dahil kailangan mu­nang palipasin ng mga kumandidato ang isang taon bago sila magkaroon ng government po­sition.

Nabasa ko kahapon na noong maayos pa ang kanilang relasyon, nag-dialogue si Cesar kay Norma Japitana na ito muna ang “mag-front” sa kanya sa PCSO pero malabo na itong mangyari dahil ayaw na ni Mama Norma na i-manage ang career niya. Puwede kaya na ako na lang ang mag-front para kay Cesar sa PCSO? PCSO is PCSO ‘huh!

* * *

Reminder! Ngayong gabi ang pilot telecast ng Kaya Ng Powers, ang newest sitcom ng GMA 7.

Starring sa Kaya ng Powers sina Joey Mar­quez, Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos. Enzo Pineda, Sheena Halili, at marami pang iba.

Ipapakilala ni Rufa Mae sa Kaya Ng Powers ang kanyang Papa M. Siya si Papa Joey M. na gaganap bilang dyowa niya sa sitcom na mapapanood pagkatapos ng 24 Oras.

* * *

May mga naririnig ako na paninira laban kay James Yap. Paninira ang tawag ko sa mga nari­nig ko dahil sa insinuation na may rich bene­factor ang future ex-husband ni Kris Aquino.

Hindi ako naniniwala na may benefactor si James. Can afford siya na magkaroon ng bong­gang lifestyle dahil malaki naman ang kinikita niya bilang basketball player.

Pero ibang usapan kung tungkol sa mga ba­bae na naghahabol kay James ang intriga sa kanya. Hindi mawawalan si James ng female admirers lalo na ngayon na alam ng lahat na hi­wa­lay na sila ni Kris at ayaw na nitong maki­pagbalikan sa kanya.

* * *

Today is Saturday which means araw ngayon ng Startalk. Huwag ninyong kalilimutan na panoorin ang aming show dahil mga explosive showbiz news ang ihahatid namin sa inyo.

Samahan ninyo kami nina Papa Ricky Lo, Butch Francisco, Papa Joey de Leon, at Alys­sa Alano sa isang hapon na punum-puno ng in­triga at kontrobersiya.

vuukle comment

AKO

BUTCH FRANCISCO

CESAR MONTANO

ENZO PINEDA

JAMES YAP

JOEY MAR

KAYA NG POWERS

KRISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with