^

PSN Showbiz

Robin at Mariel nagli-live in na!?

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE : Nahihiram na pala ni Patrick Garcia ang anak nila ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Masaya itong ikinuwento ni Patrick nang namataan siya ng Startalk sa concert ni Usher kamakalawa ng gabi.

Nasa kanila nung gabing ‘yun ang bata at sa kanila natulog kaya tuwang-tuwa si Patrick at ang buong pamilya dahil may pagkakataon na silang mag-bonding ng anak na si AJ.

Mensahe ni Patrick kay Jennylyn: “Jen, thank you for allowing me to see my kid and I’m very happy and don’t worry, I’ll love him with all my heart.”

TANONG : Maniniwala ba kayong minsan ay nakakatulog ang isang sikat na aktres na kumakain pa?

Bukod kasi sa napakalakas talaga niyang ku­main, may tini-take pa itong gamot na pampa­tulog. Kaya kapag walang trabaho ay nasa kuwarto lang ito katabi ng iba’t ibang kalafangan na minsan ay nakakatulugan na niyang may laman pa ang bibig.

Pagkagising niya minsan, hinahanap pa niya ang ibang pagkain sa kuwarto niya at hindi yata nito namalayang nakain na pala niya.

Hindi niya puwedeng i-deny dahil nakikita naman sa katawan niya ang dami ng kanyang kina­kain.

TOTOO KAYA ang nakarating sa aming ku­wen­to na nagkadebelopan na nga sina Robin Pa­dilla at Mariel Rodriguez? May nag-tip pa sa aming nagli-live in na ang dalawa.

Hindi namin nakunan ng sagot si Robin tung­kol dito dahil umalis ito papuntang Malaysia nung nakaraang Biyernes kasama ang mga anak.

TSIKA LANG: Star-studded ang naging con­cert ni Usher na ginanap sa SM-MOA Concert grounds nung nakaraang Biyernes.

Unang namataang dumating sina Borgy Ma­notoc at Georgina Wilson na todo-deny na more than friends ang kanilang relasyon.

Nandun din ang magkasintahang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa pero umiiwas sa mga gustong mag-interview sa kanila.

Ilan pa sa mga lovers na nanood ay sina Daiana Meneses at ang kanyang nababalitang BF na si Carl Guevarra at Ely Buendia at ang non-showbiz girlfriend nito.

Ilan pa sa mga dumating ay ang magkaibi­gang Pauleen Luna, Ruby Rodriguez, Maxene Magalona at ang kapatid nitong si Elmo.       

Nanood din ang anak nina Janice de Belen at Aga Muhlach na si Luigi at tuwang-tuwa itong ikinukuwento na ang Mommy Janice niya ang mas excited sa kanilang anak.

Feel na feel ni Janice ang pagiging lola nito. “Mas spoiled nga ’yung apo niya eh. Mas spoiled pa sa akin eh,” kuwento ni Luigi.

Congratulations kina Jomari Yllana at sa Fearless Productions sa napaka-successful na concert ni Usher.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALEX JAZZ

BIYERNES

BORGY MA

CARL GUEVARRA

DAIANA MENESES

ELY BUENDIA

FEARLESS PRODUCTIONS

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with