^

PSN Showbiz

Relasyon sa comebacking actor ng aktres, nabuking!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Aksidente naming nadiskubre ang short lived romance ng isang sikat na aktres at comebacking good actor nang may magkuwento sa amin na nag-screen test ang comebacking actor sa soap na pagbibidahan ng aktres.

Nakapasa sa screening ang actor at gusto siya ng director ng soap dahil magaling, guwapo at bagay mapasama sa cast ng soap. Kaya lang, inayawan siya ng aktres sa rasong hindi na sinabi sa comebacking actor na walang nagawa kundi tanggaping ayaw sa kanya ng aktres.

Sa States nagkaroon ng short relationship ang comebacking actor at aktres noong time na pareho silang nasa ibang bansa. Kokonti lang ang naka­kaalam at nabuking lang sa pagtanggi ng ak­tres na makatrabaho ang kanyang ex at naku­wento ng actor sa isang kaibigan na siyang nagtsi­ka, kaya nasulat namin.

* * *

May fan base na talaga sa Singapore si Aiza Seguerra dahil one week after ma-release ang Per­haps Love album niya under S2S Music at Star Records, nag-number two agad ito sa jazz chart sa HMV na isang big music store sa Sin­gapore. Nasa Lion City si Aiza nang malaman ang magandang balita dahil nag-shoot siya ng second music video niya for her new album.

 “Malungkot” ang description ni Aiza sa album dahil halos senti songs ang kasama mula sa carrier single na I’ll Be Over You  at ang favorite niyang Almost Over You. Wala siyang maisip na song para sa love niyang si Chen dahil masaya ang six years relationship nila.

Hindi na lang pala singer si Aiza dahil nagtayo na rin ito ng record label na tinawag niyang Black­bird mula sa Beatles song with the same title na favorite ni Aiza dahil sa magandang lyrics at kinan­ta nito sa harap namin ang ilang lines ng song. Kaya siya nagtayo ng record label ay para maging avenue ng ibang artist na magagaling na walang recording, pero wala pa siyang nakikitang artist na tutulungang sumikat.

* * *

Rarampa si Robin Padilla sa Jag Philippine Fashion Week entitled DSTRUKT Denim Wars na gagawin sa SM Mall of Asia, 7:00 p.m., sa May 29. Ipi-feature ang holiday collection ng brand ng jeans, kung saan, si Robin ang bagong male en­dorser.

Special ang pagrampa ni Robin dahil maka­kasama niya ang mga anak na sina Ali at Kylie at may special participation din ang actor/model na si Will Devaughn.

Isa lang ang Jag Jeans sa mga bagong endorsement ni Robin dahil may shampoo rin siya at hit siyang guest co-host ng Wowowee at pu­wedeng-puwedeng permanenteng pumalit na host dahil tanggap siya ng viewers.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALMOST OVER YOU

BE OVER YOU

DAHIL

DENIM WARS

JAG JEANS

JAG PHILIPPINE FASHION WEEK

KAYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with