^

PSN Showbiz

Mader Ricky nakitsika sa 3 'unang ginang'

-

MANILA, Philippines – Papalapit na ang halalan sa May 10, 2010 kaya na­­pag­­pasiyahan ng Life and Style with Gandang Ricky Reyes na itampok sa magkakahiwalay na chikahan sina Dorie Villanueva, Marides Fernando at Nikki Prieto Teodoro.

Puso sa puso, wika nga, ang interbyung ginawa ng host-producer na si Mader Ricky kina Sister Dorie (kabiyak ni presidentiable Eddie Villanueva), Marikina Mayor Marides (kabiyak ni Bayani Fer­nan­do na tumatakbong bise presidente) at Tarlac Rep. Nikki (kabiyak ni presidentiable Gibo Teodoro).

Ilalahad ng tatlong ginang ang sikreto ng ka­ni­lang long and lasting marriage, magbibigay ng lara­wan at ugali ng kani-kanilang husband.

Hahanga rin kayo kung paano nila nagagam­pa­nan ang pagiging maybahay at ina sa kanilang mga anak sa kabila ng pagiging abala sa pagtulong sa kam­panya ng kabiyak at pagtupad sa kani-kanilang karir.

Magdaraos naman si Regine Tolentino ng isang dance workshop sa ere na garantisadong maka­ba­bawas ng timbang at magpapaliit ng katawan. Kung sabagay, isang tingin lang sa seksing Dance Diva ay maaakit ka nang sumabay sa kanyang pag-indak.

Ang LSWGRR ay prodyus ng ScriptoVision at napapanood tuwing Linggo alas-diyes ng umaga sa QTV-11.

vuukle comment

BAYANI FER

DANCE DIVA

DORIE VILLANUEVA

EDDIE VILLANUEVA

GANDANG RICKY REYES

GIBO TEODORO

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

MARIDES FERNANDO

MARIKINA MAYOR MARIDES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with