^

PSN Showbiz

Valerie nag-rebound ng BF

-

MANILA, Philippines – Iniintriga ngayon si TV host-actress Valerie Con­cep­cion na break na ito sa boyfriend niyang PBA ca­ger na si Dondon Hontiveros. Dahil sa hiwala­yang ito, inili-link ang Wowowee host kay PBB Double Up ex-housemate at singing heartthrob na si Tom Rodriguez.

Paglilinaw ni Valerie : “Hindi naman kami nag­ka­hiwalay ni Dondon dahil hindi naman talaga kami. Lie low kami ngayon sa paglabas-labas dahil busy ako sa trabaho. May Wowowee ako, may campaign projects at ngayon nga may daily drama series pa ako.”

Sa mga intriga namang pinag­sese­losan ni Dondon ang leading man ni­yang si Tom : “Hindi namin ‘yun napag-uusapan. In fact, Dondon is more of happy for me with this new project.”

In a way, another chance at acting para kay Val ang bago niyang TV project. “For the longest time, I’ve been waiting for a drama show like this. Ever since lumipat kasi ako ng ABS-CBN, naging busy na ako with hosting Wowowee. Kaya happy ako ngayon na balik-drama ako. It’s some­thing na matagal ko nang hinihintay.”

And speaking of second chances : love story of second chances ang tema ng pinakabagong offering ng Precious Heart Romances (PHR) na nag­simula na kahapon.

Tampok sa PHR presents Love Me Again si Valerie kasama ang mga PBB Double Up ex-housemates na sina Tom Rodriguez, Cathy Rempe­ras at Johan Santos. Ikalawang pag­labas na ito ni Valerie sa PHR matapos ang PHR presents Bud Brothers. First daily drama series naman ito ng mga dating house­mates ni Kuya.

Hango sa pocketbook na sinulat ni Heart Yngrid, ang Love Me Again ay kuwento ng magkapatid na sina Precy (Valerie) at Donnie (Johan) na masusubok ang samahan dahil sa kani-kanilang pag-ibig.

Kasama rin sina Archie Alemania at iba pang PBB Double Up ex-housemates na sina JM Lagum­bay, Kenny Santos at Toffi Santos, ang Love Me Again ay sa ilalim ng direksiyon nina Ruel S. Bayani na direktor ng Tayong Dalawa. “Are you willing to give love a second chance?” Abangan ang sagot nina Valerie, Tom, Johan at Cathy sa pina­kasi­nusubay­bayang afternoon mini-series na PHR pre­sents Love Me Again, pagkatapos ng Pilipinas Got More Talent sa ABS-CBN.

* * *

Masasaktan si James sa pagligtas niya kay Charlie. Isisi­si nina Tessa at Jenny ang nangyari kay James. Uutu­sang muli ni Lizardo si Cicero na patayin nito si Aureus. Nagsisimulang hanapin naman ni Aureus si Janna (Jackie Rice).

Pero sa mortal na mundo ay Sara ang pangalan nito. Pu­pun­­ta sa mundo ng mga mortal si Cicero at haharapin niya ang Panday Kids. Labanan na.

Akala ng mga Panday Kids ay natalo na nila si Cicero. Pero babangon ito. At malalaman nila na may bago pala itong kapangyarihan—ang kamao ng Diablo.

Mas mahihirapan ang mga bata sa pakikipag­laban sa kanya ngayon. Tatawagin ni Aureus si Janna. Matitigil ang commercial shoot dahil sa pang­gugulo ni Aureus. Pero hindi niya malalapitan si Janna/Sara dahil ipa­pa­bugbog siya ni Mr. Luna sa mga tauhan niya. Tuturuan ni Ola na mag­­salita si Oswaldo. Pero habang mag­kausap sila, magkakaroon siya ng vision. Sa vision na iyon, nakita niyang patay na ang Panday Kids. Ma­ba­balitaan ni Fatima sa radyo na nakikipag­la­ban ang mga Pan­day Kids. Mag-aalala siya ng lubha para sa kapatid.

Patuloy ang labanan ng PK at ni Cicero. May mga nadamay na mga tao dahil sa lakas ng kapang­yarihan ni Cicero. Hindi pa rin ma­talo ng mga bata si Cicero. Papa­kawalan ni Cicero ang pina­kama­lakas niyang kapangyarihan. Tata­ma ito sa mga bata, tatalsik ang mga bata.

Matatabunan pa ng mga debris ang mga bata. Gulat ang taum­ba­yan. Patay na ang PK. Babalik na rin si Cicero sa mystiko para ibalita kay Lizardo na napatay na niya ang mga bata.

Makukuha ni Jo at Sara ang tape ng kaguluhan sa shoot earlier. Papa­noorin iyon ni Sara para makita ang itsura ng lalaking naghahanap sa kanya kanina. Curious kasi si Sara. Pero mahuhuli sila ni Mr. Luna. Sisirain na ni Mr. Luna ang tape. Sasabihin niya kay Sara na kalimutan na iyon, ang im­portante ay ang career nito.

Ramdam ni Aureus na buhay pa ang mga bata, pero nanghihina ang mga ito. Gagamitin niya ang kan­yang kapangyarihan para tawagin ang mga bata. Ma­ka­­karating naman ang mga bata sa pamamagitan ng liwanag na nagmumula kay Aureus. Pero mang­hihi­na rin si Aureus pagkatapos nito, dahil mortal na katawan ang gamit niya. Wala pa ring malay ang mga bata. Pero ipapaliwanang ni Aureus kay Fatima na lig­tas na ang mga ito, kailangan na lang pagalingin ang mga katawan nila. Magiging malapit lalo sina Fatima at Aureus dahil sa pangyayaring ito.

Sa lugar ng mga panaginip, makikilala ng Panday Kids ang guro at si Janna. Sasabihin ng guro na kaila­ngan nilang umalis sa lugar na iyon para bumalik sa totoong mundo. Pero ayaw ng mga bata. Maganda daw sa lugar na iyon at walang gulo. Mag-aalala sina Guro at ni Janna. Kung hindi aalis ang mga bata doon, ma­wa­walan ng tagapagligtas ang mundo ng mga mortal.

vuukle comment

AUREUS

BATA

JANNA

LOVE ME AGAIN

PANDAY KIDS

PERO

SARA

SHY

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with