^

PSN Showbiz

Pagkidnap ng mga aliens sa The Fourth Kind

-

MANILA, Philippines - Kung mahilig kayo sa mga sci-fi movies na tuma­ta­la­kay sa mga alien abductions, ang The Fourth Kind ang magpapatindig-bala­hibo sa inyo dahil sa na­ka­kagimbal na mga rebelasyon na makikita sa pelikulang ito.

Pinangungunahan ni Mila Jovovich na nakilala sa pelikulang Resident Evil, gina­gam­panan niya ang papel ng isang psycho­logist bilang si Dr. Abigail Tyler na nakadis­ku­bre sa mga pangyayaring ito mula sa kanyang pasyente.

Batay sa mga tunay na case studies na nangyari sa Alaska, tunay na nakaka-shock ang ginawang treat­­ment ng writer-director ng pelikula na si Olatunde Osun­sanmi kung saan binigyan niyang buhay sa big screen ang mga kuwento ng mga saksi at aktwal na naka­ranas ng pagkidnap ng mga aliens.

 Kasama rin sa pelikula sina Elias Koteas at Will Patton. Naging matagumpay sa US box office nang magbukas ito noong nakaraang taon.

Mula sa Viva International Pictures, ang The Fourth Kind ay palabas na sa inyong mga paboritong sinehan.

vuukle comment

DR. ABIGAIL TYLER

ELIAS KOTEAS

FOURTH KIND

MILA JOVOVICH

OLATUNDE OSUN

RESIDENT EVIL

SHY

VIVA INTERNATIONAL PICTURES

WILL PATTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with