^

PSN Showbiz

Gretchen magiging busy sa ABS-CBN

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bukod sa paghahanda niya para sa gagawin niyang pelikula sa Star Cinema, magsisimula nang mapasabak si Gretchen Barretto sa maraming proyekto sa Kapamilya network. Nakatakda pala niyang palitan si Ruffa Gutierrez bilang host ng The Buzz. Maging kasing effective kaya si Greta ni Ruffa? Nahasa rin naman si Greta ng paghu-host sa TV ng maraming taon sa GMA Supershow kaya I’m sure hindi siya mapag-iiwanan ng dalawa niyang maka­kasama na sina Boy Abunda at Kris Aquino. Plus, ka­tulad ni Kris, isa ring con­trover­sial figure si Gretchen kaya makaka­tulong din siya ng malaki para magkaroon pa ng mas matingkad na kulay ang The Buzz.

Sa ngayon, masusing paghahanda na ang gina­gawa ni Greta para sa pagtatambal nila ni Bea Alonzo.

* * *

Hindi pa man nakapagsisimula si Andi Eigen­man sa Agua Ben­dita ay nagbabanta na ang ina nitong si Jaclyn Jose na ililipat siya ng network. Bakit naman, hindi na ba makapaghihintay pa ang magaling na aktres? Eh sinasamantala pa ng Dos ang magan­dang pagtanggap ng manonood sa episode na kung saan ay bata pa ang kambal kaya natatagalan ang paglaki nila.

* * *

Ako talaga hanga dito kay Mark Anthony Fernandez. At pala­ging nanini­wala ako sa mga sinasabi niya. Like yung sinasabi niyang naka-move on na siya sa naging relasyon nila ni Claudine Barretto.

Naniniwala ako although matagal bago siya nagtagumpay. Hindi ko naman siya masisisi dahil napaka-bata pa niya nang mangyari yun.

At sa mga bata, mas nananaig ang emosyon kesa ang utak. But he’s completely healed now, emo­tionally.

Agree din ako sa sinabi niyang drug free na ang sistema niya. This he owes to his dad, the late Rudy Fernandez, na pinabaunan niya ng isang pangako ng pagbabago.

vuukle comment

AGUA BEN

ANDI EIGEN

BOY ABUNDA

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN

JACLYN JOSE

KRIS AQUINO

MARK ANTHONY FERNANDEZ

RUFFA GUTIERREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with