^

PSN Showbiz

Carol recording star na

-

MANILA, Philippines - Isang ganap na recording artist na ang 2004 Grand Champion ng Dubai TFC Pop Star at Pinoy Idol  finalist na si Carol Leus matapos ang launching ng kanyang titled album.

Labing dalawang kanta ang maririnig sa kanyang unang album. Timang ang kan­yang carrier single. Swak ang lyrics ng kantang ito sa mga bagets at in-love. Ka­sama rin sa album ang Magkaibigan, Nag­ka­ibigan, Just to Make You Stay, Kung Magba­balik Ka, Senti, Ngayon Lang, Our Love Will Stay, Tunay na Pag-ibig, Malilimutan Din Kita, Paalam at Goodluck (graduation song), Kung Magbabalik Ka (Radio Edit) at ni-revive din niya ang awiting Hindi Ako Laruan. Favorite niya sa album ang Magbabalik Ka.

“Maganda po ‘yung lyrics. Nung ipinarinig pa lang sa akin ‘yung demo nun, ‘yun na po ang pinakagusto ko. Parang bagay siya sa teleserye. Malalim ang ibig sabihin ng kanta. Tapos ‘yung areglo niya…’yung melody parang talagang mapi-feel mo. Masarap kantahin,” sey niya.

Pero bakit ‘Timang’ ang carrier single ng album?

“Si Tito Boy Christopher (album producer) na rin po ang nag-decide. ‘Yung Timang catchy kasi pag narinig ninyo. Nilagyan pa nila ng live na acoustic guitar, paliwanag ni Carol.

Nakaka-relate ba siya sa kanta?

“Opo. Pero sa ngayon, hindi na po ako timang sa pag-ibig. Siguro noon pong kapapasok ko pa lang sa teenage life, ganyan,” sey pa ng 19 –year- old TFC Pop Star.

Di ba masarap balikan ang ‘timang days’?

“Opo pero ayaw ko pang balikan ang pagiging ‘timang’. Na-realize ko kasi lalo na nung mag-start akong mag-college, dun ko talaga nakita kung paano ang buhay ng tao. Bilang parang isang individual na ‘yung pangarap ko mas dumami. So inisip ko na ‘wag munang mag-concentrate sa ganun. Dream ko talaga na sumikat sa showbiz, kumanta at umarte,” dagdag pa niya.

Inaalay naman niya ang kanta niyang Magkaibigan, Nagkaibigan sa mga OFW since ang parents niya (Arman & Juliet Leus) na nasa Abu Dhabi, U.A.E.

Anyway, ang Carol Leus album ay prodyus at sinulat ng kanyang manager na si Boy Christopher. Katuwang naman niya ang past PMPC President na si Roldan Castro bilang talent manager. 

For bookings and inquiries -09175044330, 09053595091, 7100352. (RC)

vuukle comment

ABU DHABI

ALBUM

BOY CHRISTOPHER

CAROL LEUS

GRAND CHAMPION

LSQUO

NIYA

POP STAR

TIMANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with