^

PSN Showbiz

Regine pinapanget!

- TV UPDATE -

MANILA, Philippines- Makikanta at makitawa simula ngayong Marso 1 sa kauna-unahang kantaserye sa GMA Telebabad tampok ang nag-iisang Asia’s Songbird Regine Velasquez sa pinakabagong primetime program – ang Diva.

Kasama ni Regine ang mga naglalakihang bituin sa telebisyon tulad nila Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, Rufa Mae Quinto, Glaiza de Castro, Mark Herras, Ynna Asistio, at si Ms. Gloria Diaz.

At bilang kauna-unahang kantaserye sa telebisyon, makakasama rin ni Regine ang ilan sa mga kinikilalang icon sa music industry kabilang na sina Buboy Garovillo, Randy Santiago, at Queen of Soul Jaya sa kanyang kauna-unahang acting stint.

Sa Diva, muling makakasama ni Regine si Mark Anthony na una na niyang nakatambal sa Ko­reanovelang Ako si Kim Sam Soon noong 2008.

Ang Diva ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata na direktor din noon ng Ako Si Kim Sam Soon.

Magsisimula na ito sa Lunes sa GMA Telebabad.

Panget si Regine sa Diva.

Korean boy band member parating

Bibihagin na ni Lee Hong Ki, miyembro ng sikat na Korean boy band na FTIsland (Five Treasure Island), ang inyong mga puso sa nalalapit na pagsisimula ng pinaka-aabangang idol drama ng taon na He’s Beautiful sa ABS-CBN. Si Hong-Ki, kasabay ang kanyang mga kasamahan sa grupo na sina Choi Jong Hoon, Choi Min Hwan, Song Seung Hyun, and Lee Jae Jinas, ay darating sa bansa sa susunod na linggo para sa kanilang concert na FTIsland Manila 2010 Showcase na magaganap sa Sabado (March 6) sa Philippine International Convention Center (PICC) Plenary Hall. Magbibigay ng patikim ang bagong kinahuhumalingang boy band sa kanilang mga Pinoy fans ngayong Biyernes (March 5) sa hit talent-variety show na Showtime ng Ka­pamilya Network, na siyang official media partner ng grupo para sa kanilang concert tour. 

Full House ending na sa Friday

Ngayong Biyernes, abangan ang madamdaming pagwawakas ng love story na kinagiliwan, inibig, at tinu­tukan ng buong bayan, ang Full House.

Matapos na marinig ang speech ni Justin (Ri­chard Gutierrez), mas lalong na­ging mahirap para kay Jessie (Heart Evangelista) ang pumili sa pagitan ng mahal niya at ng taong mahal siya. Agad naman siyang kinausap ni Luigi (Patrick Garcia) at sinabi na hindi niya ito pipigilan kung saan siya magiging ma­saya.

Hindi pa rin napapatawad ni Elaine (Isabel Oli) si Justin sa pag-iwan at pa­nanakit sa kanya. Abangan kung ano ang maaaring gawin ni Elaine na hanggang sa huli ay gagawin ang lahat para mapasakaniya lang si Justin.

Aaminin na ni Jessie na mahal niya pa rin si Justin pero paano kung huli na pala ang lahat? Sa tunay na kasalan na nga ba magtatapos ang pag-iibigan nila ni Justin o sa isang madamdaming pamamaalam?

Alamin ang sagot ngayong Biyernes sa naka­kikilig na finale ng Full House pagkatapos ng The Last Prince sa GMA Telebabad.

vuukle comment

AKO SI KIM SAM SOON

ANG DIVA

BIYERNES

BUBOY GAROVILLO

CHOI JONG HOON

CHOI MIN HWAN

FULL HOUSE

JUSTIN

SHY

TELEBABAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with