^

PSN Showbiz

Matinding Kilabot

-

MANILA, Philippines - Ang mahusay na Hollywood actor na si Norman Ree­dus (The Boondock Saints) ay gu­maganap bilang si John Rollins, may-ari ng isang nasisirang lupaing pan­saka. Nang itayo niya ang isang kakai­bang scare­crow sa kan­yang lupain, naging ma­sagana muli ito. Ngu­nit ang ginhawa ay napali­tan ng mga kababalag­han na unti-unting gu­­mu­gulo sa matinong pag-iisip ni John. Nag-iba rin ang pakikitungo niya sa kanyang pamil­ya na mauuwi sa isang madugo at nakapangi­ngilabot na katapusan.

Tulad ng blockbuster hit na The Messengers na mula kay Sam Raimi (pro­ducer ng The Grud­ge Trilogy, director ng Drag Me To Hell) at pinag­bidahan ni Kris­­ten Stewart (Bella ng Twilight), ang pinaka-aabangang pruquel na ito na nagtataglay ng makatotohanang pag­ganap at naka­gugulat na eksena ay tiyak na mag­bibigay ng matinding kilabot sa mga manonood.

Masasaksihan na ang paghahasik ng la­gim sa The Messen­gers 2: The Scarecrow sa mga sinehan sa ika-3 ng Pebrero. Handog ng Viva International Pictures.

vuukle comment

BELLA

BOONDOCK SAINTS

DRAG ME TO HELL

GRUD

HANDOG

JOHN ROLLINS

NORMAN REE

SAM RAIMI

SHY

VIVA INTERNATIONAL PICTURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with