^

PSN Showbiz

Potchi now na

-

MANILA, Philippines - Pinaghalong variety, talent, at game show ang mapapanood simula ngayong Sabado, Dec. 19. Ito ang Tropang Pochi – ang pinakabagong programa para sa mga bata ng Q Channel 11!

Ibibida sa programa ang multiple intelligence ng mga bata, at ang iba’t iba pang talento at kaalaman. Kaya akmang-akma dito ang slogan ng programa na Bata Ka Pa, Kaya Mo Na!

Hindi rin mawawala ang pakikipag-bonding ng mga bata sa isa’t isa.

Sina Ella Cruz, Julian Trono, Sab­rina Man, Miggy Jimenez, Ayla Mendero, Andrea Reyes, at Jessu Trinidad ang bubuo sa Tropang Potchi. Sa ilalim ng award-winning TV director na si Louie Ignacio, ina­anyayahan ng Tropang Potchi ang mga bata na samahan sila sa isang umagang puno ng saya at makabu­luhang aral.

May dalawang main portions ang programa – ang show-and-tell talent portion at ang gsame portion.

Sa bawat episode, may apat na batang bibida at magpapamalas ng kanilang natatanging galing sa isa sa mga eight intelligences - word smart, number or reasoning smart, picture smart, body smart, music smart, people smart, self smart, at nature smart.

Isang giant game board ang susubok sa mental at physical abilities ng mga bata sa game portion. Dalawang Kapotchi teams na binubuo ng tatlong members ang maglalaban-laban sa tatlong game zones – “’K lang!” (easy round), “Steady!”, (average round), at “Grabe!”, (difficult round).

Apat na iba pang segments ang mapapanood sa show – ang “Video-OK!”, kung saan pwedeng magpadala ang mga bata ng mga videos na sila mismo ang kumuha; Aprub!”, na tungkol sa mga tao, pangyayari, at lugar na karapat-dapat bigyan ng Potchi “aprub” mark; “Dear Kapotchi”, kung saan puwe­deng ipa­dala ng mga bata ang kanilang com­ments, suggest­ions, requests, at pati na school activitiy announce­­­ments; at ang Sabi ni Potchi, isang ser­ye ng short stories na sigura­dong kapupu­lutan ng aral at pinagbibi­dahan ng mascot na si Potchi.

vuukle comment

ANDREA REYES

AYLA MENDERO

BATA

BATA KA PA

DALAWANG KAPOTCHI

POTCHI

SHY

SMART

TROPANG POTCHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with