^

PSN Showbiz

Geoff 'di affected sa bantang demanda nila Krista

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

I feel guilty ‘ha? Kahapon ang birthday ni Papa Miguel Belmonte pero ngayon ko lang siya na-greet ng happy birthday! Better late than never ‘di ba?

Happy, happy birthday sa aking Papa Miguel. Good health at more blessings ang aking mga birthday wish para sa kanya.

Once a year lang kung magkita kami ni Papa Miguel at always unforgettable ang aming pagki­kita dahil ipinaparamdam niya sa akin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng..... Bahala kayong mag-isip!

Happy birthday Papa M.!

* * *

Napuyat ako noong Huwebes dahil late na nang matapos ang Thanksgiving at Christmas party ng PPL Entertainment Inc. ni Perry Lan­sigan, ang manager nina Dingdong Dantes, Angelika dela Cruz, Carlo Gonzales, Arthur So­linap, Jolina Magdangal, Geoff, at Gabby Eigen­mann.

Ginanap ang party sa Celsius, isang bagong bar/restaurant na hindi mahirap hanapin dahil katabi ito ng parlor ni Mama Fanny Serrano sa Sct. Rallos, Quezon City.

In fairness, masasarap ang mga pagkain sa Celsius kaya nabusog ang mga reporter na invited ng PPL.

Nakita ko pa sa Celsius ang dating Lagot Ka director na si Boyong Baytion na nag-aral ng culinary arts at isa nang certified chef ngayon.

Mahilig palang magluto si Boyong kaya nang mag-goodbye sa ere ang Lagot Ka, nag-enroll siya sa isang culinary school, natapos ng pag-aaral at nagkaroon ng diploma.

Paulit-ulit ang imbitasyon sa akin ni Boyong na bumalik sa Celsius dahil marami pa ang masa­sarap na pagkain ang ipatitikim niya sa akin. Pu­we­de kong pagbigyan ang kanyang imbitasyon dahil totoo naman na masarap ang menu ng kani­lang restaurant.

* * *

Umalis agad ako sa party pagkatapos ng raffle draw. Hindi ko na inalam kung bakit kinuyog si Jolina Magdangal ng mga reporter.

More or less, alam ko na ang mga itatanong nila tungkol kay Jolina. Ano ang nararamdaman nito dahil hindi siya na-retain sa SOP? Ang status ng relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Mark Escueta at kung anik-anik pa na may kinalaman sa personal na buhay niya.

Naroroon din si Angelika dela Cruz na ikakasal sa December 4 at mapapanood sa Startalk at Showbiz Central.

Nakipag-meeting kay Perry ang mga executive producer ng Startalk at Showbiz Central noong Miyerkules. Agenda nila ang mga preparation para sa coverage ng church wedding ni Angelika at ng kanyang mister na Orion ang name.

* * *

Hindi mukhang affected si Geoff Eigenmann ng intriga na ipinapa-review ng Ranillo family sa lawyer nila ang statement ni Gina Alajar sa Face­book account nito. Kaswal na kaswal ang sagot niya sa mga kausap na reporter.

Wala akong nakita na mali o libelous sa inilagay ni Gina sa kanyang Facebook account. Based sa California ang lawyer ng mga Ranillo kaya nagta­tanungan ang mga reporter, kung kakasuhan ng mga Ranillo ang mga reporter na nagsulat tungkol sa Manny Pacquiao-Krista issue, saan ipa-file ang kaso, sa Pilipinas o sa Amerika? Mababaw ang simpleng tanong ng mga reporter pero may sense. Saan nga ba?

Hindi na mabibilang sa mga daliri ng kamay at paa ang mga reporter na nagbigay ng opinyon tung­kol sa Manny-Jinkee-Krista issue. Baka mahirapan ang mga Ranillo na ipunin ang lahat ng mga diyaryo at ang mga video na ipinalabas sa mga news program at showbiz talk show. Ano sa palagay n’yo? Huwag kayong sasagot ng hindi kayo mapalagay ‘no!

vuukle comment

ANGELIKA

ANO

ARTHUR SO

JOLINA MAGDANGAL

LAGOT KA

PAPA MIGUEL

RANILLO

SHOWBIZ CENTRAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with