Shaina niregaluhan ni John ng golf set
Hindi naman in denial ang undisputed jukebox queen na si Imelda Papin sa kanyang edad. Pero katulad ng maraming artista, mapa-babae man o lalaki, never naman niyang ibrinodkas ang kanyang edad. I’ve been with her for a long time at alam ko kung ilang taon na siya, ang hindi ko sigurado ay kung real age niya ito o screen age.
It was unfair of Mommy D (Dionisia) to say na matanda na si Imelda or asked kung buhay pa ito. Pinalabas pa siyang ancient ng pinaka-bagong komedyante sa local showbiz by saying that : “Bata pa ako ay idolo ko na siya.”
Pero sa halip na magalit dahil pinalabas siyang matanda ng mommy ni Manny Pacquiao, na-amuse lamang ang singer na naka-base ngayon sa Amerika. Tawa nga ito nang tawa nang makausap ko ng long distance sa telepono.
“Okay lang ate, hindi naman siguro masama ang gusto niyang ipakahulugan sa sinabi niyang bata pa siya ay iniidolo na niya ako. Maybe she meant that she has been a fan for a long time now. Napanood ko rin siya sa TV at naiintindihan ko ang paliwanag niya sa tanong niya kung patay na ako. Hindi raw kasi niya ako nakikita gayong pabalik-balik siya ng GenSan at Maynila.
“Pagbabalik ko ay iimbitahan ko siya sa concert ko with Melissa Manchester sa December. Sana hindi siya busy para makapunta siya.
“I’ve gotten in touch with her group. May concert ako dito sa Las Vegas. Sana rin makapunta siya. Baka nga maimbitahan ko siyang makipag-duet sa akin during the show,” sabi pa ni Imelda na babalik ng bansa sa ika-3rd week ng November to prepare for her concert with Melissa Manchester in December sa Philippine International Convention Center (PICC).
* * *
Going strong and smoothly ang relasyon nina John Prats at Shaina Magdayao. Ito ay kahit ilang ulit nang nabalitang nag-split ang dalawa. Katunayan sa recent birthday ni Shaina ay ipinaghanda siya ni John sa tahanan nito na dinaluhan ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
Ang maganda kina John at Shaina ay tanggap na pareho ng kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon. Bahagi na ang mga pamilya nila sa kanilang love story at kahit papaano ay nakakatulong sila para mapatatag ang relasyon ng dalawa.
Bilang regalo, bukod sa surprised party na ginawa sa bahay nito ay binigyan ni John si Shaina ng isang golf set kaya hindi na ito manghihiram ng gamit kapag naggo-golf sila.
- Latest





















