^

PSN Showbiz

Nadine, John at Shaina may intriga!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sana napagkamalan lamang ng isang Kapa­milya star na si Jayson Gainza si Nadine Sa­mon­te na diumano’y pinagkaitan siya ng tulong nung kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Sigurado si Nadine na hindi niya kilala ang nag-aakusa at wala siyang naaalalang pinag­kaitan ng tulong nung mga panahong iyon.

Dapat nga siguro ay malinawan na ang isyung ito dahil nakakasira talaga sa imahe ng batang aktres na pinagkalooban ng magandang break ng GMA 7 sa Tinik sa Dibdib kapalit ni Sunshine Dizon.

Hindi na mahalaga kung magkakila sila ni Jayson. Sa panahon ng indulto, dapat lahat ay nagtutulungan. Pangit nga namang sabihin na sa simpleng tubig ay magdadamot si Nadine gayong marami ang naglagay ng buhay nila sa panganib, makatulong lamang sa mga nangangailangan.

* * *

Nabasa ko dito sa PSN na nag-asawa na pala ang anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Iggy Boy.

Aba, maraming taon na pala ang nakalipas nang hindi ko namamalayan. Katulad ng anak ni Aga, marami na rin sigurong produkto ng showbiz unions ang ngayon ay malalaki na at mag-aasawa na rin.

* * *

Si Angelika dela Cruz magpapakasal na rin ngayong Disyembre. Mabuti naman, meron na silang anak eh.

Hindi naman titigil sa kanyang pag-aartista si Angelika.

Dapat lang dahil pinakikinabangan niya ang kanyang talento sa pag-arte.

* * *

Bakit ba nababalitang nag-split na sina John Prats at Shaina Magdayao? Kasama ko lang kamakailan si Vina Morales kumain sa labas at napag-usapan pa namin ang dalawa.

Sabi niya, tanggap na tanggap na ng kanyang pamilya ang aktor. Kapag may dinner sila ng family ay iniimbita nila si John at kapag hindi ito makakapunta dahil may taping ay pinadadalhan pa nila ito ng pagkain sa set.

Ganun nila inaalagaan ang mahal ng kanilang kapatid.

Walang alam si Vina sa sinasabing break-up ng dalawa. Ang alam niya, going strong ang relasyon ng kapatid niya at ni John.

For sure, intriga na naman iyan ng mga walang magawa.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGELIKA

DAPAT

IGGY BOY

JAYSON GAINZA

JOHN PRATS

NADINE

NADINE SA

SHAINA MAGDAYAO

SUNSHINE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with