^

PSN Showbiz

Jewel parang gripo kung umiyak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nakita namin sa GMA Network ang isang actor na may show sa ABS-CBN at nababalitang gustong lumipat sa Channel 7. May kausap lang ang actor, kaya hindi namin nausisa kung totoo ang tsismis na type niyang mag-ober da bakod. Magandang marinig ang sagot niya kung kukumpirmahin ang tsika o magdi-deny.

Tsinika sa amin ang rason ng actor kung bakit gustong lumipat at ang request lang nito kung matutuloy ang paglipat ay bigyan siya ng dalawang shows in one year dahil ‘yun din ang kontrata niya sa Channel 2. Naiparating na raw ng manager ng actor sa Channel 7 management ang request nito at abangan natin ang mga susunod na mangyayari.

* * *

Mas maganda talagang kakuwentuhan ang mga direktor kesa mga artista dahil ang daming nakukuhang balita sa mga director. Gaya na lamang ni direk Mark Reyes na nakausap namin sa taping ng Special episode ng Dear Friend na mapapanood na sa October 25.

Para raw gripo ang mga mata ni Jewel Mische sa pag-iyak at mukhang may malalim na pinagkukunan ng emotion. Smile lang ang sagot ng dalaga.

Kung walang aberya, this Monday na ang start ng taping ng Full House sa Mexico, Pampanga at dito rin nag-pictorial ang cast. Kaya naman sa Prague sila magsu-shoot dahil gasgas na ang Asian location at very romantic sa Prague. Sina Richard Gutierrez, Heart Evangelista, at Patrick Garcia ang aalis para mag-shoot sa Prague sometime in November.

Inamin na rin ni direk Mark na may plano ang GMA 7 na ibalik ang Encantadia at sa sinabi naming malabong mabuo ang mga Sanggre dahil nasa ABS-CBN na si Karylle, bakasyon si Diana Zubiri at mukhang ayaw nang mag-artista ni Sunshine Dizon at baka si Iza Calzado na lang ang original cast na masama sa pagbabalik ng Encantadia.

Ang sagot ni direk Mark ay ‘don’t ever estimate the power of Encantadia.” 

Magandang balita rin ang binanggit ni direk Mark na magkakaroon ng TGIS Reunion Movie to be produced by Viva Films at original cast from Bobby Andrews to Angelu de Leon ang kasama. Umoo na raw ang lahat at uuwi si Red Sternberg mula sa Baton Rouge, kung saan assistant manager ito sa Hyatt Hotel.

Gagawin din ni direk Mark ang pelikulang Andong Agimat na bida sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos at co-produced ng Viva Films, Unitel at GMA Films

* * *

Sunod sa pangalan nina Aiza Sequerra at GF nitong si Chen ang baby girl na tinulungan nilang ipanganak sa kotse ni Aiza noong kasagsagan ng bagyong Pepeng. Ninang din ang dalawa ni baby Aiza Chen bilang pasasalamat ng ina nitong si Sarah sa tulong ng dalawa.

Galing sa Baguio sina Aiza at Chen nang parahin ni Sarah ang kotse nila at nagpapahatid sa ospital dahil manganganak na siya. Hindi na umabot sa ospital si Sarah dahil baha at ‘di kayang tawirin ng kotse ang baha, kaya sa kotse na ito nanganak. Si Aiza ang nag­paa­nak sa kanya habang kausap sa phone ang pedia niya at nagpapaturo kung ano ang dapat gawin. Malusog si baby Aiza Chen nang isilang.

vuukle comment

AIZA

AIZA CHEN

ANDONG AGIMAT

BATON ROUGE

BOBBY ANDREWS

CHEN

DEAR FRIEND

DIANA ZUBIRI

ENCANTADIA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with